Disqualified ang Valorant team ng T1 mula sa North American VCT Open Qualifier 1 na tumapos sa unang subok ng bagong roster upang mag-qualify para sa main VCT NA Stage 1 Challengers event.

Ayon sa desisyon ng Riot Games, forfeited ng T1 ang kanilang match laban sa TSM noong January 29 sa VCT NA Open Qualifier 1 dahil nilabag nila ang rules tungkol sa “unauthorized communication during a match”.


T1 disqualified mula sa unang VCT N open qualifier

Nakarating sa kaalaman ng Competitive Operations team ang ebidensya na ang T1 coach ay nagbibigay ng instructions sa mga players habang nagaganap ang match laban sa TSM. Ito ay mahigpit ipinagbabawal at labag sa match rules.

Sa gitna ng isang match, ang mga players ay maaari lamang makipag-usap sa kanilang kapwa players sa team. Anumang uri ng pakikpag-usap sa pagitan ng players at mga non-players, kabilang ang mga coaches, ay hindi pinahihintulutan maliban na lang sa mga nakatalagang tactical at technical pauses.

Valorant T1 Disqualified Ruling
Credit: Riot Games

Ang T1 Head Coach na si David “dd8” Denis, na naging bahagi ng organization noong February 2021, ay diumano nagbigay ng instructions sa kanyang mga players sa gitna ng isang match, at aksidenteng nai-type ito sa All Chat sa Map 1.

Ito ay malinaw na paglabag sa competitive integrity ng game.

Dinala naman ni Yassine “Subroza” Taoufik sa Twitter ang kanyang  reklamo kung saan tinawag nyang “6v5” ang nangyaring laban.

Valorant Subroza Tweet
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Nanalo ang T1 sa unang map na Split sa score na 13-7. Subalit pagdating sa sumunod na mapang Icebox, nagkaroon ng tech pause habang lamang ang T1 8-4, sa mga oras na ito ay nag-tweet ang mga TSM players tungkol sa pag-uusap sa pagitan ng coach at kanyang mga players, pati na rin sa nagaganap na ping issues.

Kinalaunan ay nagpahayag ng competitive ruling ang Riot Games kung saan na-disqualify ang T1 at ibinigay ang series sa TSM.

Nagpahayag ng opinyon ukol dito ang iba’t ibang North American Valorant pros sa Twitter. Ang iba, tulad ni Nathan “leaf” Orf, ay nanghihingi ng mas malalim na paliwanag kung gaano nga ba kalala ang nagawang paglabag, habang si Jaccob “yay” Whitetaker naman ng Team Envy ay ginawang biro ang pangyayari at nagpasaring sa TSM in-game leader na si Daniel “Rossy” Abedrabbo at tinawag itong isang “tactical genius”.

Muling sumubok na mag-qualify si Joshua “steel” Nissan at ang kanyang team sa sumunod na VCT NA Stage 1 Challengers Open Qualifier na naganap mula February 4 hanggang 7, ngunit nabigo sila sa kamay ng VIRTUOSO.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.