Nakuha ng Team Liquid ang kanilang unang panalo sa Valorant Champions 2022, nang talunin nila ang Edward Gaming 2-0 sa group stage elimination match.

Malaki ang nagawa ng Liquid team captain na si Adil “ScreaM” Benrlitom sa series, kung saan tinanghal siyang MVP sa kanilang 13-5 na panalo sa Bind, at 14-12 naman sa Breeze.

Sinurpresa ng 28-anyos ang lahat nang piliin niya si Phoenix, isang ‘di karaniwang pick sa Breeze.

Sa post-match interview sa main broadcast ng Riot, ipinaliwanag ni ScreaM kung bakit nababagay ang kanyang playstyle kay Phoenix. Naniniwala rin siya na dahil sa mga buffs na natanggap ng fiery duelist mula sa Valorant patch 5.01 ay naging viable option ito sa pro play.


Bakit si Phoenix ang pinakabagay na duelist para kay Team Liquid ScreaM

Team Liquid ScreaM Valorant Champions 2022 Phoenix buffs
Credit: Riot Games

Isa si Phoenix sa mga may pinakamababang pick rate sa competitive play. Sa 31 maps na nalaro sa Valorant Champions 2022, tatlong beses lang na-pick si Phoenix.

Sa kabila nito, naniniwala pa rin si ScreaM na magandang gamitin na duelist si Phoenix.

“Since the update, I feel like Phoenix had a pretty big buff,” sabi niya. “I feel like people don’t recognize it as they should.”

Ang pinapatungkulan ng star ng Liquid ay ang mga buffs na ibinigay ng Riot Games sa Curveball, Blaze, at Run It Back ultimate ni Phoenix.

Ang falsh duration ng Curveball ay nadagdagan mula sa dating 1.1 seconds na ginawang 1.5 seconds na, habang ang flash windup ay nabawasan mula 0.7 seconds na ginawang 0.5 seconds na lang. Dagdag pa dito, mas maagang ine-equip ni Phoenix ang kanyang weapon pag tumigil na siya sa pag-bend ng kanyang Blaze Wall.

Nakatanggap din ng major buff ang Run It Back ultimate kung saan magkakaroon magre-respawn si Phoneix na may parehong dami ng shield nang i-cast ang ability, kahit pa naubos ito sa engkwentro.

Ginamit ni ScreaM ang lahat nang Phoenix buffs upang buhatin ang kanyang team patungo sa tagumpay. Upang maistorbo ang Operator angles ng Chamber at Jett ng EDG, laging ginagamit ni ScreaM ang kanyang Curveball flash bago sila sumugod sa isang site.



Nakakakuha rin siya ng mga ultimate orbs na walang bantay sa paligid ng Breeze. Ito ang dahilan kung bakit mas madalas niyang nagagamit ang Run It Back. Sa paggamit ni ScreaM ng ultimate sa pag-entry ay mas nagiging mabisa ang kill trade ng kanyang tea, kung kaya’t nagkakaroon sila ng man advantage.

Isa pang dahilan kung bakit mas gusto ni ScreaM si Phoenix kumpara sa ibang duelist ay dahil alam niyang mas mahusay siya sa paggamit ng rifle.

“I don’t play Operator, so it is a good agent for me,” sabi niya.

At dahil Chamber naman ang gamit ni Elias “Jamppi” Olkkonen, meron nang nakatokang Operator player ang Liquid.



Ang mga matches sa Valorant Champions 2022 ay mapapanood nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.