Nagparamdam na naman ang sumpa ng second-place. Tinalo ng Team Liquid ang Paper Rex 2-1, kung kaya’t tanggal na sa tournament ang huling APAC representative sa Valorant Champions 2022.

Kabilang na ang PRX sa mahabang listahan ng mga second-placed teams na nagpaalam sa group stage ng kanilang sumunod na event – isang nakakadismayang pagtatapos para sa isang team na inaasahang makakalayo sa tournament.

Sa panig naman ng Liquid, mahusay at nakakabilib ang ipinakita nilang coordinated teamplay. Malinaw na naghanda sila at nakaabang sa kung anumang ibato sa kanila ng PRX.

Sa isang post-match interview, malinaw ang sinabi ng match MVP na si Elias “Jamppi” Olkkonen kung saan nagkamali ang PRX: Mali ang ginamit nilang style laban sa kanila.

Team Liquid Jamppi sinabing hindi dapat sila hinahamon sa aim duel

Team Liquid Champions 2022
Credit: Riot Games

“Both Edward Gaming and Paper Rex are individual teams,” sabi ni Jamppi. “They have among the best individuals. But if they play a style where they just want to aim duel us, I think it is the wrong style of play.”

Kitang-kita kung gaano kahirap ang Southeast Asian squad sa decider map na Ascent. Masyadong maraming first kills ang isinuko ng PRX sa mga nagdaang games, na inamin rin ni coach Alexandre “alecks” Sallé, at nakita ito sa Ascent.

Sa kabila ng matinding simula sa map gamit ang isang flawless na attacking pistol, sumugod pa rin ang PRX sa mala-pader na depensa ng Liquid.

“They had a really good game plan,” sabi ni Benedict “Benkai” Tan. “They made it really difficult for us to go into the choke points. And even if we got onto the site, they had a solid plan to retake it as well.”

Sa pagtatapos ng game, lamang ang Liquid 16-5 pagdating sa first kill, isang nakakabiglang kalamangan laban sa isang team na kilalang mahusay sa pangunguna sa early round sa pagkuha ng first pick. At dahil tila umasa na lang ang Paper Rex sa individual play, nataranta sila sa pinaulang utility at quick trades ng Liquid.



Mukhang maganda rin ang read ng EMEA team sa mga tendencies ng PRX, kaya’t nakaabang sila sa mga palihim na atake at mga agresibong pagsugod sa mga smokes.

Nagbagsak ng tig-pitong first kills ang magkapatid na sina Adil “ScreaM” Benrlitom at Nabil “Nivera” Benrlitom, kung saan nakita ang husay ni ScreaM sa kanyang off-meta Phoenix pick.

Gayunpaman, ang MVP ng series ay si Jamppi. Ang 21-anyos na Finn ay nagpamalas ng ‘di malilimutang performance sa kanyang Chamber, na nagawang magbantay sa mga pandikdikang anggulo gamit ang Operator at consistent na pagpitas gamit ang Headhunter.

Isa siya sa mga pangunahing dahilan kung bakit nanalo ang kanyang team sa unang map na Haven, kung saan nakakuha siya ng siyam na first kills. Sa pagtatapos ng series ay nanguna si Jamppi sa server na may 65/42/8 KDA at 276 Average Combat Score (ACS).

Pagkatapos ng mahusay na ipinakitang ito, mukhang nararapat lang na ang susunod na kalaban ng Liquid sa playoffs ay ang OpTic Gaming, kung saan makakaharap na sa wakas ni Jamppi ang sinasabing pinakamahusay na Chamber player sa buong mundo na si Jaccob “yay” Whiteaker.

Makakalaban ng Team liquid ang OpTic gaming sa September 10, 10:00 p.m. GMT+8. Ang mga matches sa Valorant Champions 2022 ay mapapanood nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.