Sigurado na ang upper bracket final spot ng OpTic Gaming sa Masters Copenhagen, matapos ang 2-1 na panalo laban sa DRX.

Mabagal ang nagisng simula ng North American team sa series, nang matalo sila sa kanilang map pick na Fracture 13-4. Gayunpaman, nagawa nilang mabaligtad ang sitwasyon sa Breeze, kung saan kinuha nila ang map pick ng DRX para sa kanilang sariling 13-4 victory.

Sa deciding map na Bind, naging mas dikit ang laban, kung saan tinapos ng OpTic ang DRX 13-11. Mahusay ang ipinakita ng star player na si Jaccob “yay” Whiteaker, na nagbagsak ng 62/41/9 KDA at 304 Average Combat Score (ACS) gamit ang kanyang Chamber.

Sa kabuuan, ang 23-anyos ay nakakuha ng 20 first kills, mahigit doble ng kay Victor “Victor” Wong, na gumamit ng Neon, Jett, at Raze.


OpTic Gaming yay series MVP laban sa DRX

OpTic Gaming yay Masters Copenhagen
Credit: Riot Games

Sa sobrang dominente ni El Diablo ay halos iniiwasan siya ng DRX sa series.

“We tried to stay away from yay in this match,” sabi ni Kim “Zest” Gi-seok sa isang post-match press conference. “But I think next time we should challenge him to get the kill.”

Ang star ng OpTic ay 15-9 pagdating sa eliminations laban sa DRX duelist na si Goo “Rb” Sang-min, na matagumpay niyang napigilan nang maraming pagkakataon. Nagtapos si Rb na may walong first kills sa series, laban sa kanyang 17 first deaths.

Sa Breeze, madalas na pinipili ng OpTic ang A site, at hindi mahanapan ng solusyon ng DRX ang kanilang mabibilis na execution hanggang sa mahuli na ang lahat.

Nang mapunta ang laban sa Bind, tinapos ng OpTic ang unang half sa score na 8-4. Nanalo din sila sa sumunod na dalawang rounds ng kanilang attacking half, bago makabawi ang DRX nang anim na sunod-sunod na rounds upang mag-tie sila sa 10-10.



Pumasok ang OpTic sa Round 21 sa isang mahinang half buy, armado ng pinaghalo-halong pistols, isang Stinger, isang Guardian, at isang Vandal kay yay. Nang maiwan siya sa isang 1v2 laban kina Kim “stax” Gu-taek at Yu “BuZz” Byung-chul, na-clutch ni yay ang round upang muling ibalik sa board ang OpTic.

Sa Round 23, kinailangan na namang lumaban ng OpTic sa isang thriftybuy. Gayunpaman, isang triple kill mula kay yay gamit ang Tour De Force ultimate ni Chamber ang tumulong sa OpTic na kunin ang crucial round para mapunta sa match point.

Nauna nang inilarawan ng OpTic head coach na si Chet “Chet” Singh ang Korean team bilang kanilang pinakamalaking karibal sa tournament, kung saan binanggit niya ang flexibility at hindi pag-asa ng mga ito sa mga matitibay na set plays. Sa match na ito makikita kung bakit, dahil sa dalawang one-sided maps at isang bunuang laban sa ikatlong mapa.

Aabante na ang OpTic upang labanan ang Paper Rex sa upper bracket final sa July 22, 11:00 p.m. GMT+8. Ang lahat nang matches ay mapapanood sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.