Kilala si Yu “BuZz” Byung-chul ng DRX dahil sa kanyang pagiging bihasa sa paggamit ng French sentinel na si Chamber. Pero napatunayan na rin na mapanganib ang kanyang Killjoy, ang German genius na may tech na garantisadong magbibigay perwisyo sa mga kalaban.

Laban sa Maru Gaming sa VCT Korea Stage 2 Challengers playoffs grand finals, nagwagi ang DRX sa malinis na 3-0 sweep.

Nanalo ang DRX na may malaking kalamangan sa Split at Haven, pero hindi maitatangging nagdomina talaga sila sa Ascent sa score na 13-3. Nang mukhang makakapuntos na ang Maru matapos nilang maitumba ang apat na players ng DRX, biglang inagaw ni DRX BuZz ang round mula sa kanila sa isang 1v4 clutch.


DRX BuZz tinalo ang Maru Gaming sa isang 1v4 sa kanyang Killjoy

DRX VCT Korea Stage 2 Challengers BuZz
Credit: DRX

Pumasok ang DRX sa round gamit lamang ang mga Spectres at isang Sheriff, para sa bonus matapos manalo sa unang dalawang rounds.

Gayunpaman, nasa Maru Gaming ang firepower advantage, na nakabili ng mga Vandals at mga Phantoms. Mabilis nilang napigilan ang pagsugod ng DRX sa B site, matapos ang magandang pagkakapwesto ng Haunt ni Fade sa B Main na nagbigay sa Maru ng lahat nang impormasyon na kailangan nila.

Apat na DRX players ang sunod-sunod na nagsitumba matapos subukang sumugod papasok sa site, kung saan naiwang ipit si BuZz sa Boat house.

Nagawa ni BuZz na mapatay si Kim “Chibab” Young-hyun na kinuhanan niya ng Phantom para maging patas ang laban. Nagawa niyang maitumba ang dalawang Maru players na sumubok na sugurin siya mula sa B Stairs, na nangangahulugang mas mataas na ang posibilidad niyang manalo sa ngayo’y 1v2 situation.



Ngunit nalaglag ang spike at may dalawang Maru players na nakabantay dito, kinailangan ni BuZz na umisip ng paraan upang makalamang.

Una ay naglapag siya ng Turrer ni Killjoy sa baba ng hagdanan, na nagbigay sa kanya ng impormasyon na may player sa kanyang kaliwa. Ang pwestong ‘yun ay pwedeng ma-wallbang mula sa Boat house at iyon mismo ang ginawa niya para burahin sa mapa ang malas na si Park “Moves” Jun-seo.

Isang puntos na lang ang kailangan niya para sa kanyang ultimate kaya’t uamtras si BuZz papuntang B main upang kunin ang ultimate orb at i-activate ang Lockdown. Mula sa kaliwa ng mga boxes sa B Main, sakop ng Lockdown ang buong B site, na nangangahulugang kailangan ni Kim “NakJi” Sang-hyeop na umalis sa site para maiwasan ang pagkakakulong sa ultimate.

Nakabantay si BuZz sa angle na dadaanan ni NakJi, na niratrat niya paglabas nito mula sa kanyang pinagtataguan.

Ang Ascent ang isa sa mga maps kung saan hindi gumagamit ng Chamber si BuZz, at malinaw naman kung bakit. Kumpara kay Chamber, ang mga utilities ni Killjoy ay mas nagbibigay sa kanila ng kalamangan sa pag-execute at pag-retake ng mga sites, at mababantayan niya rin ang kabuuan ng B Main gamit ang kanyang Turret o isara ang B Lane gamit ang kanyang Nanoswarm grenades.

Ang mga hari ng Korea ay papalipad na papuntang Masters Copenhagen, kung saan umaasa silang magkakaron ng mas magandang pwesto kumpara sa nakuha nila sa Reykjavik.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.