Hindi man parati nasa tuktok ng scoreboard ang duelist ng DRX na si Goo “Rb” Sang-min, pero tinitiyak niyang gawin ano man ang kailangan ng koponan niya.

Importante ang ginampanang papel ni DRX Rb nang talunin nila ang third seed ng EMEA na FunPlus Phoenix sa winner’s match ng Group B, sa iskor na 2-1, para maselyo ang kanilang playoff spot sa Masters Copenhagen.

Sa Fracture, na map pick ng FPX, humiram ng stratehiya mula sa OpTic Gaming ang Korean powerhouse matapos ibigay ang Neon para sa 20-taong-gulang nilang manlalaro.

Gamit na gamit ni DRX Rb ang sprint at slide para i-pressure ang CIS team. Bagamat tinapos niya ang laban sa ilalim ng scoreboard na may 13/13/7 na KDA, napakita niya kung paano epektibong gamitin ang agent para makagawa ng space at magbigay ng impact sa kanilang pagkapanalo.

Pinatunayan ni DRX Rb kung gaano kaganda gamitin si Neon sa Fracture

Pang-Apex Legends ang galawan ni DRX Rb kay Neon sa panalo nila kontra FPX
Credit: Riot Games

Sinimulan nila ang mapa bilang attackers para makapagtala ng mabilis na 8-2 lead, sa tulong ng Neon ni DRX Rb na kumo-control sa B Tower at pumapatay sa mag-isang defender nito.

Hinaharang ng Fast Lane ang vision mula Canteen kaya’t nakakapag-sprint si Rb patawid ng site para ma-swing ang nagho-hold sa Twoer. Nagbibigay din ng dagdag bentahe ang Relay Bolt stun kaya lalong nahirapan ang FPX na makasabay sa bilis ng galaw ng Neon.



Sa tulong ng jump peeks at mahusay na paggamit ng slide, natalo ni Rb ang naka-Operator na si Ardis “ardiis” Svarenieks, kahit pa ang tamang anggulo naman ang binabantayan ng kanyang Chamber.

Crucial ang pag-whiff ni ardiis gamit ang Operator noong Round 8 kaya’t nakapasok ang DRX sa B site matapos pumitas ng dalawa.



Saan man magpunta, kaguluhan ang dala ni DRX Rb. Noong Round 12, napigilan niya ulit makapitas si ardiis kahit pa mukang na-lock down naman na ng kanyang Chamber ang A Main.

Sapat ang naibigay na oras ng pangungulit ni Rb gamit ang ultimate ng Filipino agent na Overdrive para mapatay ni Kim “Zest” Gi-seok ang bantay at mabigyan ang DRX ng man advantage.



Syempre, hindi naman mag-isa si Rb sa kanyang mga ginagawa. Madalas ay kadikit niya ang Fade ni Zest para magawa ang Prowler at Nightfall combo. Nabibigyan nito ang kanyang Neon ng advantage para sa susunod na egagementengagement.

Isa ang DRX sa mga may pinakamataas na KAST (Kill, Assist, Survive, Trade) percentage. Ibig sabihin, hindi nila hinahayaan na pumwesto ang player nang hindi sila makakakuha ng kapalit.

Gayunpaman, may kaakibat pa rin na panganib ang playstyle ni Rb. Siya ang may pinakamataas na first deaths sa DRX, bagay na hindi na nakagugulat dahil siya parati ang unang nakikipag-engage sa kalaban.

Naiintindihan ni DRX Rb ang tunay na papel ng isang duelist — walang kinakatakutan, hindi pinanghihinaan ng loob, at hindi natitinag sa stats, basta matulungan niya ang kanyang koponan.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Isang retiradong Dota 2 pro, nag-coach ng Valorant team: Silipin ang behind-the-scenes ng NYFU