Nangunguna pagdating sa meta ang OpTic Gaming nang manalo sila sa Masters Reykjavik 2022. Ang kanilang desisyon na gamitin si Neon sa Fracture, at pumili ng Chamber sa halip na Jett sa Bind, Icebox, Haven, at Split ang nakatulong sa kanilang mapanalunan ang Masters trophy.

Gayunpaman, tila nagbago na ang meta dahil karamihan sa mga teams ay mas nakatuon ang pansin sa pag-iwas sa pagiging predictable.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, sinabi ni Jimmy “Marved” Nguyen ng OpTic Gaming na mas nakatuon ang atensyon ng mga teams sa pagkontra sa isa’t isa sa Masters Copenhagen.

Wala naman talagang meta sa Masters Copenhagen ayon kay OpTic gaming Marved

OpTic Gaming Marved Day 10 Masters Reykjavik
Credit: Riot Games

Matapos matalo sa Guild Esports sa kanilang opening group stage match sa Masters Copenhagen, sinabi ni Marved na karamihan sa mga strategies na ginagamit ng mga teams ay katulad ng mga nasa nakaraang Masters event.

“Other than the release of Fade, it’s pretty similar,” sabi niya. “It’s up to your team if you wanna run Fade or not. It’s just another agent you have to get accustomed to.”

Binanggit ng 22-anyos na player na ang mga teams ay mas nag-aalala sa kanilang mga counterstrategies kumpara sa pagpili ng mga best agent compositions.

“People nowadays just change comps, so they don’t get read by the other team, in my opinion,” sabi niya. “There’s not really a meta. It’s just countering other teams and changing your comps to be very random.”

Ayon kay Marved, ang pinakamalaking pagbabago na nakita niya sa mga teams ay ang mas marami na nilang agent comp sa ibang maps sa tournament. Pero sa kabila nito, naniniwala pa rin siya na ang mga agents na magagandang gamitin noon ay maayos pa rin ang performance ngayon.

“It just depends on how you want to use them,” sabi niya.

Maging ang OpTic mismo ay gumawa ng mga hindi inaasahang pagbabago sa kanilang unang Masters Copenhagen match. Sa kanilang run sa Masters Reykjavik 2022 at VCT NA Stage 2 Challengers, palagi nilang pinipili sina Breach at Neon sa Split. Sa halip ay pinili nilang gamitin sina Fade at Raze nang makaharap nil;a ang Guild Esports.

Isa rin ang DRX sa mga teams na nagpalawak ng kanilang agent comp sa Masters Copenhagen. Sa halip na gamitin ang kanilang hindi pa natatalong triple initiator comp sa Ascent sa VCT Korea Stage 2 Challengers, nagpasya ang DRX na palitan ang kanilang lineup. Pinalitan nila si Sova ng Jett, Chamber ng Killjoy, at Omen ng Astra.

Dahil sa nakatayang spot sa Valorant Champions Istanbul, ginagawa ng mga teams ang lahat nang kanilang makakaya para makakuha ng kahit anong kalamangan laban sa kanilang katunggali sa Masters Copenhagen.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.