Sa wakas ay inanunsyo na ng Team RRQ CEO na si Andrian Pauline ang kanilang listahan ng mga kandidato para sa kanilang roster para sa paparating na VCT 2023 Pacific.
Matapos ang ilang panahong pagpili sa mga naglalakihang pangalan sa Indonesia, nasagot na rin kung sinu-sino ang mga sasailalim sa player trial upang mapabilang sa roster ng Team RRQ. Masigasig din si Mr. AP sa paghahanap ng malalakas na players para sa kanilang team.
Mabilis na kumilos si Mr. AP upang makahanap ng mga posibleng pagpilian para RRQ roster. Nakipag-ugnayan siya sa apat na kilalang teams ngunit dalawa lamang sa mga ito ang umabot sa huling bahagi ng kasunduan.
Karamihan sa mga Indonesian players na sumailalim sa player trial ay mga dating miyembro ng BOOM Esports at ONIC G. Para naman sa Philippine roster, binubuo pa rin ito ng core players ng RRQ.
Gusto mo na bang malaman kung sino ang mga kandidato para sa roster ng RRQ para sa VCT 2023? Tignan mo dito.
Listahan ng mga kandidato para sa roster ng Team RRQ sa VCT 2023

Ayon sa ipinangako ni Mr. AP noong September 29, iaanunsyo niya kung sino ang mga kandidato para sa team roster ng Team RRQ sa paparating na VCT 2023 Pacific. Kinabukasan nang hapon, ibinigay niya ang kumpletong listahan.
Matapos mamili sa maraming pangalan ng mga pinakamahuhusay na players sa Indonesia, pumili sila ng ilang players mula sa BOOM Esports at ONIC G.
Ang sumusunod ay ang kumpletong listahan ng mga kandidato para sa roster ng RRQ sa VCT 2023.
| LISTAHAN NG MGA KANDIDATO MULA SA PILIPINAS | LISTAHAN NG MGA KANDIDATO MULA SA INDONESIA |
| Kelly “KellyS” Sedillo (RRQ PH) | Hagai “Lmemore” Kristen Yeyuruh (ex-ONIC) |
| Nathaniel “Nexi” Cabero (RRQ PH) | Cahya “MONKEY” Nugraha (ex-ONIC) |
| James “2GE” Goopio (RRQ PH) | Michael “Severine” Winata (ex-ONIC) |
| Jed “Draxiimov” Jamir (RRQ PH) | David “TehbotoL” Monangin (ex-BOOM) |
| Emmanuel “Emman” Morales (RRQ PH) | Gary “Blazek1ng” Dastin (ex-BOOM) |
| Franz “Kevzii” Dingal (RRQ PH) | Saibani “Fl1pzjder” Rahmad (ex-BOOM) |
| Eroll “Ejay” Jule (ex-BREN) |
Dagdag pa sa mga pangalang nasa itaas, kelan lang ay kabilang din sa listahan ang ilang mga Indonesian players tulad nina Rizqie “BerserX” Adla at Bryan “Kushh” Setiawan. Gauynpaman, tila pinalitan na sila ng best initiator ng Indonesia na si Gary “Blazek1ng” Dastin.

Maliban kay Blazek1ng, isang bagong pangalan din na makikita sa listahan para sa roster ng RRQ ay si Ejay na dating miyembro ng BREN Esports. Hindi pa sigurado kung ilang players ang kukunin ng RRQ para sa VCT 2023.
Matapos isagawa ang player trial, ang susunod na hakbang ay ang humanap ng pinakamahusay na kandidato bilang coach at coaching staff. Sa tingin mo, sino sang bubuo ng roster ng RRQ para sa paparating na VCT 2023?
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.