Ipinakilala na ng Indonesia-based esports organization na Rex Regum Qeon, o RRQ, ang mga bagong miyembrong bumubuo sa Valorant roster nito.

Tampok sa six-man roster ng nasabing koponan ang mga pausbong na manlalaro mula sa iba’t-ibang Valorant teams mula sa Pilipinas.

Matatandaang pinakawalan ng RRQ ang kanilang Valorant roster noong Disyembre ng nakaraang taon. Sinubukan ng nasabing koponan na maka-qualify sa SEA Challengers Playoffs, ang qualifier ng rehiyon para sa VCT Stage 3 Masters Berlin, mula sa huling dalawang stages ng VCT Indonesia pero kinapos ito sa parehong pagkakataon.

Ang pag-recruit ng RRQ sa mga Pinoy players

Ang Valorant roster ng RRQ
Credit: RRQ Philippines

Hindi ito ang unang beses na kumuha ng Pinoy players ang RRQ para sa kanilang koponan.

Bagamat naunang maging Dota 2 team na binubuo ng Indonesian players, matatandaang kinuha rin noon ang mga ngayo’y player ng Team Secret na sina Kevin “Dispenser” Te at Jayvee “DubsteP” Paguirigan para sa kanilang Counter-Strike: Global Offensive team.

Kamakailan, ipinakilala rin ng organisasyon ang kanilang League of Legends: Wild Rift team na binubuo ng mga Pinoy players, kasama na ang bantog na manlalarong si Eric “Exosen” Gubatan.

Credit: RRQ Philippines

Inaasahan ang paglahok ang Valorant roster ng RRQ sa VCT Asia Pacific Philippines 2022. Magsisimula ang Stage 1 sa katapusan ng Enero para malaman kung sino nga ba ang magiging kinatawan ng bansa sa APAC Challengers Playoffs.

Ang Valorant roster ng RRQ

  • Trixtan “Tr1X” Viray
  • Mikko “Hemsyxx” Gumapac
  • Kelly “kellyS” Sedillo
  • Dustin “skadooskurt” Dollente
  • Francis “Rabbet” Buñag
  • Vince “Flash” Medado

BASAHIN: Nandito na si Neon: Alamin ang lahat ng kaniyang agent abilities sa Valorant