Itinuturing si Tyson “TenZ” Ngo bilang isa sa pinakamagaling na Valorant player sa buong mundo, pero kahit siya mismo ay aminadong marami siyang natututunan sa panonood kay Paper Rex star Jason “f0rsakeN” Susanto.

Habang kino-co-stream ang opening match sa pagitan ng Paper Rex at Edward Gaming sa Valorant Champions 2022 group stage, inabi ni TenZ na nais niyang makita kung paano maglalaro si f0rsakeN gamit ang Chamber sa Pearl.

Ito ang opisyal na debut ng bagong mapa sa professional scene nang kuhanin ito ng EDG. At naisipan ng Sentinels standout na maaaring may mapulot siya mula sa PRX player.


Inaaral ni TenZ kung paano laruin ni f0rsakeN si Chamber

TenZ at chamber
Credit: Riot Games, ONE Esports

Sa stream, inilahad ni Tenz na malaking fan siya ng paglalaro ni f0rsakeN kay Chamber.

“I took a lot of stuff from f0rsakeN on Bind because I like how he uses the character,” wika niya.

Kamakailan lang ay nag-switch ang Sentinels pro mula sa paggamit ng Jett at Raze patungo sa Chamber sa kasagsagan ng VCT NA Last Chance Qualifier. Bagamat nagtapos sila sa 5th-6th place, nagpakita pa rin ang 21-anyos ng magagandang plays gamit ang nagte-teleport na sentinel agent at kumana pa nga ng MVP performance sa kanilang huling match kontra 100 Thieves.

Sa Pearl, idiniin niya kung paano nakakalikom ng mga impormasyon si f0rsakeN para sa Paper Rex gamit ang mga abilities ni Chamber.

“He makes his move around the map by phases,” sabi ni Tenz. “The first phase is pushing B Long as a defender. If they’re not throwing an Astra smoke to cross, then you can push up and you get to hold a deep angle.”



Bilang perpektong ehemplo ng agresibong playstyle ng PRX, laging naghahanap ng duel si f0rsakeN sa simula ng halos lahat ng rounds. At dahil ang Rendezvous teleporter ni Chamber pa rin ang pinakamabisang pantakas sa Valorant, madali niyang nare-reposition ang kanyang sarili sa ligtas na pwesto matapos ang unang barilan at makakuha ng impormasyon patungkol sa mga kalaban.

“You get a pick, and if they arrive there, you just teleport away,” paliwanag ni TenZ. “Your team will also be able to rotate from Mid Connector or the A side of the map.”

Malaki ang ambag ni f0rsakeN sa 13-11 win ng PRX kontra EDG sa Pearl. Sa huling round, tinulungan niya ang koponan na maselyo ang panalo sa pamamagitan ng dalawang kills gamit ang Tour De Force ultimate, kahit pa naka-weak buy sila. Tuluyang kinuha ng APAC champs ang serye sa iskor na 2-1.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa Valorant news, guides at highlights.


Ito’y pagsasalin sa Filipino ng akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.