Nakikita ang VCT NA LCQ 2022 na pinakamalaking regional tournament ngayon taon.

Pasok na ang OpTic Gaming at XSET sa Valorant Champions Istanbul, pero ang walong sunod na koponan na may pinakamaraming VCT circuit points ay may isa pang pagkakataon para maka-qualify sa Champions sa pamamagitan ng North America Last Chance Qualifier kung saan nakataya ang huling regional spot patungo sa world championship.

Matunog sa paparating na torneo ang Sentinels na itatampok ang former CS:GO pro na si Michael “Shroud” Grzesiek. Kasama pa ang dating Version1 star na si Jordan “Zellsis” Montemurro, napakataas ng hype sa palibot ng bagong Sentinels squad na ito.

Sentinels Shroud
Credit: Shroud

Pero hindi magiging madali ang kanilang road to Champions dahil ang iba pang teams sa VCT NA LCQ tulad ng Stage 1 champion na The Guard, 100 Thieves at FaZe Clan ay siguradong hindi basta-basta magpapasindak.


Kumpletong listahan ng mga kwalipikadong koponan sa VCT NA LCQ

VCT NA STANDINGKWALIPIKADONG KOPONANVCT CIRCUIT POINTS
3rdThe Guard220
4thFaZe Clan75
5thCloud970
5thShopify Rebellion (dating Luminosity Gaming)70
5thNRG Esports70
8th100 Thieves60
9thEvil Geniuses55
10thSentinels45

Bagamat nasa ilalim ng standings, siguradong Sentinels ang aabangan ng lahat. Matapos ma-miss out ang dalawang Masters events ngayong taon, umaasa pa rin ang fans nila Tyson “TenZ” Ngo at kanyang koponan ng isang fairytale run patungo sa Champions sa pamamagitan ng VCT NA LCQ.

Nakalusot ang Sentinels sa 10th place ng NA matapos pumalya ang Ghost Gaming na makakuha ng panalo sa VCT NA Stage 2 Challengers playoffs at lampasan sila sa standings.

Nangunguna naman sa VCT points ang The Guard, kasunod ang FaZe Clan, Cloud9, Shopify Rebellion, NRG Esports, 100 Thieves at Evil Geniuses.

Credit: Riot Games

Iaanunsyo pa ng Riot Games ang eksaktong schedule ng VCT NA LCQ 2022 pero nakatakda itong ganapin sa buwan ng Agosto.

Sasamahan ng mananalo ang 15 pang koponan sa Valorant Champions na isasagawa sa Istanbul, Turkey sa Setyembre.

Para sa Valorant news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Pagsasalin ito ng akda ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.