Si Tyson “TenZ” Ngo ay bahagi ng isang bagong breed ng esports superstars. Nag-launch kamakailan ang 21-year-old Valorant pro ng kanyang sariling apparel line na available lamang hanggang ika-19 ng Setyembre.

Ang limited edition drop ay unang na-tease noong ika-23 ng Agosto matapos ianunsyo ni TenZ ang isang bagay na kung tawagin ay Project T kasama ang ilang imahe na mukhang isang manga. Nadiskubre kalaunan ng data miners na ang webcomic ay isa ring countdown timer para sa paparating na apparel drop.

Available na online ang Project T na may custom tie-dye hoodie, hat kasama ang screen-printed at embroidered na graphic tees, joggers, sweaters at shorts.


Ni-launch ni TenZ ang kanyang unang apparel line kasama ang Warren James

Trinabaho ni TenZ ang Project T kasama ang Prodigy Agency, isa sa mga kinikilalang esports management at marketing agency, maging ang brand development firm na Warren James.

Samantala, ang 11-page manga naman na in-illustrate ni Levi Tonin ay inilarawan bilang isang “worldbuilding” effort upang bigyan ang fans ng sense ng brand at ano ang pwede nilang asahan dito.

Ang Project T collection

  • Tie-dye hoodie
  • Off-white logo tee
  • Off-white logo joggers
  • Off-white logo shorts
  • Off-while signature crewneck
  • Off-white signature hoodie
  • Black logo joggers
  • Black logo crewneck
  • Black logo shorts
  • Black logo tee
  • Black signature crewneck
  • Black signature dad hat
  • Black signature hoodie
Credit: Riot Games

Tampok sa tie-dye hoodie ang pula at itim na color scheme na katulad sa team colors ng Sentinels. Bawat tie-dye piece ay hand-treated kaya naman bawat hoodie ay magkakaiba.

Nag-debut din kasabay ng launch ng apparel line ang bagong logo ng kilalang Valorant player. Makikita rito ang stylized na mga letrang “T” at “Z” kasama ang Japanese Katakana text na naisasalin sa “Te-n-zu”.

“I’ve been thinking about having my own merch for a long time now, and I couldn’t be happier with the collection we are launching with Warren James,” sabi ni TenZ. “We spent a lot of time making sure it really fits my personality and tastes, and I hope the fans will love it as much as I do!”

Minarka ng Project T ang ikalawang limited edition launch ng manlalaro para sa kanyang fanbase. Nakipag-partner ang Sentinels star sa gaming peripherals maker na Finalmouse para i-launch ang custom version ng Starlight-12 wireless gaming mouse na agad na-sold out sa loob lamang ng ilang oras.

Maaari niyong mabili ang apparel ni TenZ dito. Lahat ng items ay pre-order at inaasahang mashi-ship ang mga ito sa linggo ng ika-31 ng Oktubre.

Para sa Valorant news at guides, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Nigel Zalamea ng ONE Esports.