Nakipag-team up ang Sentinels star duelist na si Tyson “TenZ” Ngo sa Finalmouse para mag-design ng custom mouse na swak sa kanyang natatanging grip style.
Pabor ang 20-year-old pro player sa hybrid ng palm at claw grip kaya naman ang mouse na dinidisenyo niya ay ihuhulma sa style na iyon.
Sa isang watch party stream ng VCT Stage 1 Masters Reykjavik, ipinasilip ni TenZ ang work-in-progress na design ng kanyang custom mouse.
Kamakailan ay nag-release ang kompanya ng 10,000 units ng Starlight-12 Poseidon na agad namang na-sold out sa loob lamang ng ilang minuto.
Nagdidisenyo si TenZ ng kanyang sariling gaming mouse kasama ang Finalmouse

“I swear to god that this is the comfiest thing for me as a palm-claw gripper,” wika ni TenZ habang ipinapakita litrato ng side profile ng mouse.
Kumpara sa Starlight-12 na may mas flat na hugis, ang mouse ni TenZ ay may mas mataas na back portion para suportahan ang kanyang palad.
“My mouse is a lot more like an arrow, similar to the XM1,” saad niya. Ang kanyang tinutukoy ay ang Endgame Gear XM1 gaming mouse.
Inihalintulad niya ito sa isang kombinasyon ng mas slim, mas maliit na XM1 at MM710 ng Cooler Master kaya naman kaya nitong punuin ang iyong palad.
Hindi pa nagsasabi ng detalye ang kilalang Valorant pro patungkol sa release date ng kanyang custom mouse.
“It’s still in the works. I was literally just molding the back piece with clay yesterday.”
Inilahad din niya na magkakaroon ng special TenZ edition ng Starlight-12 na maaaring itampok ang parehong magnesium alloy body nito sa isang bagong color scheme. Ang kanyang custom-designed mouse ay pwedeng lumabas pagkatapos nito at ang goal ay mag-release ng malalaking batches na readily availble.
“There’s going to be 40,000 units made, so it would be the largest drop yet,” pagbabahagi niya. “We’re hoping that most people can get it.”
Basahin ang orihinal na artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.