Hindi makakasali sa Masters Reykjavik ng taong ito ang Sentinels star player na si Tyson “TenZ” Ngo, ngunit mananatili pa rin ang marka niyang iniwan.

Sa unang Valorant Masters event sa Iceland noong nakaraang taon, kakaibang husay ang ipinakita ni TenZ, kung saan binuhat niya ang kanyang team sa isang flawless championship run kung saan wala kahit isang mapa silang ipinatalo.

Ang duelist extraordinaire ay nagtala ng Average Combat Score (ACS) na 290 sa kabuuan ng tournament at 1.02 kills per round, isang performance na nananatiling walang kapantay sa isang international Valorant LAN event hanggang ngayon.

Makikita sa Masters Reykjavik 2022 ang pag-usbong ng mga bago at mas malalakas na teams at talents. Sa pagsisimula ng tournament, nananatili ang tanong na: may makakatalo na kaya sa performance ni TenZ?

Malalagpasan kaya si TenZ para gumawa ng Valorant history sa Masters Reykjavik 2022?

TenZ Masters Reykjavik 2021
Credit: Ominous

Sa isang graph na ginawa ng Run It Back writer na si Ominous, malayong-malayo sa iba ang performance ni TenZ sa nakaraang Master Reykjavik, ito ay kung titignan pareho ang ACS at kills per round.

Hindi nangangahulugan ito na walang may kayang umabot sa naitala ng 20-anyos na duelist. Sa Masters Berlin noong nakaraang taon, nakapagtala si Jaccob “yay” Whitetaker ng 280 ACS, kinulang lamang ng 10 sa record ni TenZ.

Noong Champions 2021, nakagawa rin ng isang hindi malilimutang performance si Nikita “Derke” Sirmitev ng Fnatic, kung saan nanguna siya sa event na may 278 ACS at 0.27 first kills per round, kaya’t tinanghal siyang best entry fragger sa tournament.

Sa husay at pasabog na performance ni Derke, hindi maikakailang isa siya sa mga pinakamagaling na duelist sa EMEA region. Sa pagkapanalo ng Fnatic laban sa M3 Champions (dating Gambit Esports) sa VCT EMEA Stage 1 Challengers playoffs, nagbagsak ng nakakmanghang 46 kills sa isang map si Derke sa Split.



Isa pang player na dapat abangan ay si Žygimantas “nukkye” Chmieliauskas, Raze main ng G2 Esports. Ang 24-anyos na Lithuanian ay ang top performer sa VCT EMEA Stage 1, na may 258 ACS at 1.27 K/D ratio. Walang palya ang paghatid niya ng magagandang numero para sa kanyang team, kahit pa nagfe-flex siya gamit ang kanyang Sova.

Tinatayang mag-iiwan din ng marka sa LAN ang mga bagong mukha tulad nina Erick “aspas” Santos ng LOUD at Ha “Sayaplayer” Jung-woo ng The Guard.

Sa katunayan, dahil sa kanyang nakaraang experience sa LAN mula sa panahon niya ng paglalaro ng Overwatch at sa tulong ng North American top seed na The Guard, hindi malayong mangibabaw si Sayaplayer sa mga kalaban.

Napatunayan din niyang kaya niyang gumawa ng mga halos imposibleng clutch plays kapag kinakailangan ng team. Sa grand final ng VCT NA Stage 1 Challengers playoffs, nanalo si Sayaplayer sa isang 1v3 situation laban sa OpTic Gaming upang matulungan ang The guard na maging top seed ng North America.

Para sa mga paparating na match schedule sa Masters Reykjavik 2022, i-click dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.