Ni-rework ng Riot Games ang Icebox sa Valorant patch 4.04 at tila naging brand new na mapa ito. At dahil dito, ang ilang Sova lineups sa B site ay hindi na gumagana kaya naman kailangan ng players na matuto ng panibago.

Mabuti na lang at ginawa na ng ating paboritong Sova virtuoso ang halos lahat ng leg work para dito.

Gumawa si AverageJonas ng Sova lineups sa bagong Icebox
Credit: Riot Games, Team Liquid

Kilala si Jonas “AverageJonas” Navarsete sa kanyang mastery sa blue-eyed Russian initiator. Umaabot pa sa punto na naipapanalo niya ang mga rounds dahil sa kanyang mautak na paggamit ng abilities ni Sova.

Para maka-adjust sa mga pagbabago sa map layout, nag-update at gumawa ang Norwegian streamer ng key Sova lineups sa bagong Icebox na dapat aralin ng bawat Sova main.


Nag-update si AverageJonas ng Sova lineups sa bagong Icebox

Para mapigilan ang defuse sa default plant sa B

Pinipigilan ng double Shock Bolt lineup na ‘to ang pag-defuse sa post-plant situations.

Sa B Green, magpunta sa sulok sa pagitan ng container at crate. I-align ang iyong left mouse indicator sa markings sa container. I-charge sa single bar, magdagdag ng isang bounce sabay itira.

Para naman sa pangalawang dart, itutok mo ito sa transparent screen sa likod mo. Ilagay ang left diamond marker sa baba ng clear screen, i-charge sa tatlong bar, maglagay ng dalawang bounce at pakawalan ito. Tatalbog ang dart mula sa screen papuntang Yello at babagsak sa default plant area.

Screenshot ni Koh Wanzi/ONE Esports

Para sa mas mataas na tsansang magtagumpay, i-plant ang spike nang nakaharap sa labas ng site upang hindi ito ma-defuse ng kalaban mula sa corner.

Para mapigilan ang default plant sa B

Dahil sa pagkakatanggal ng lower container sa B site, nagbago rin ang double Shock Bolt lineup para mapigilan ang default plant mula sa Snowman. Nire-require ng bagong lineup na i-align mo muna ang dulo ng main building sa gray panel sa outer wall.

Screenshot ni Wanzi Koh/ONE Esports

Sunod ay ilagay ang unang bar ng iyong Shock Bolt meter sa gray na dulo ng crane. I-charge sa single bar sabay pakawalan. Para naman sa pangalawang dart, i-align ang left corner ng iyong meter sa corner marking ng building. I-charge sa maximum, lagyan ng single bounce at itira.

Mabilis na babagsak sa default ang dalawang Shock Bolts at siguradong patay ang sinumang nagpa-plant.

Para sa kumpletong paliwanag ni AverageJonas ng Sova lineups sa bagong Icebox, panoorin ang buong video sa ibaba.


Hango ito sa artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.