Narito na ang Astra nerf na hinihingi ng marami.

Nagsalita ang mga pro players ukol sa kung paanong sinisira ni Astra ang game dahil sa kanyang oppressive utility. Lubos na papahinain ng Valorant patch 4.04 ang notorious na cosmic controller, habang ibibigay naman nito ang matagal nang hinihintay na buff para kina Omen at Brimstone.

Magiging patas na ang laban para sa mga controller agents, kung saan wala nang itinuturing na must-pick.

“The changes will probably lead to different smoke agents being viable on different maps,” ayon sa tweet ni Anthony “vanity” Malaspina ng Cloud9. “None of them are insanely better than the others.”


Valorant patch 4.04 nagbigay ng nerf kay Astra, nag-buff kina Omen at Brimstone

Astra

Valorant Astra Astral Form
Credit: Riot Games

Matagal nang nasasapawan ni Astra ang mga kapwa nya controllers, lalo na sa high ranks at pro play kung saan kitang kita ang kanyang lamang dahil sa magandang team coordination. Sa pamamagitan ng mga nerfs na ito, umaasa ang Riot na mas makita ang kanyang kahinaan at makapagbigay ng pagkakataon na magamit ang iba pang smoke agents.

Stars

  • Nabawasan ang max stars na dati ay 5, ngayon ay 4 na lang
  • Dagdag na cooldown sa pag-retrieve ng stars na dating 14s, ngayon ay 25s na
  • Maaari na ngayong pumulot ng ipinwestong stars si Astra habang nasa Buy Phase upang ma-refund agad ang kanyang charge
  • Nadagdagan ang max distance ng Star Placement na dating 10000, ngayon ay 30000 upang makapagpwesto sya ng Stars hanggang sa pinakamalayong sulok ng mapa

Gravity Well

  • Dagdag na cooldown na dating 25s, ngayon ay 45s na
  • Nabawasn ang laki ng Gravity Well na dating 525, ngayon ay 475 na lang
  • Hindi na maaapektuhan ng Gravity Well ang mga nasa ilalim nito

Nova Pulse

  • Dagdag na cooldown na dating 14s, ngayon ay 25s na
  • Magkakasunod na ang Nebula cooldown na dating sabay-sabay
  • Nadagdagan ang laki ng Nebula na dating 410, ngayon ay 475 na

Nabawana na ang overall utility ni Astra. Dahil sa apat na lang ang kanyang stars at mas mataas na cooldowns, kinakailangan nang pag-isipang mabuti ng mga Astra players ang bawat galaw nila. Halimbawa, hindi nya na kayang mag-adapt sa mga mid-round calls nang mabilis dahil sa mas matagal na cooldown ng pag-retrieve ng Star.

Ang mas konting Stars ay bumabawas din sa kakayahan nyang mag-set up ng default Stars sa bawat round, sa halip ay kakailanganin nyang mag-focus sa pag-execute ng set plays.

Nakatanggap din ng malaking nerf ang Gravity Well. Dahil mas maliit na ito, kinakailangang pag-isipang mabuti ng mga players kung saan ito ipupwesto, maaari na ring yumuko ang mga kalaban sa mga Wells na nakapwesto sa ibabaw ng mga boxes dahil hindi na apektado ang mga players na direktang nasa ilalim nito.

Pero hindi pa katapusan ng mundo para kay Astra, nakatanggap din naman sya ng ilang quality-of-life update. Ang pinakamahalaga dito ay maaari na syang pumulot ang mag-refund ng Stars sa Buy Phase, kaya’t magagamit ito ng team upang maisaayos ang kanilang mga executes.

Nadagdagan din ang bilis ng transition sa pagitan ng paglabas at pagpasok sa Astral form, kaya’s magiging mas swabe na ito.


Omen

Valorant Omen
Credit: Riot Games

Binabawi ng Riot ang ilan sa mga nakaraang nerfs na ibinigay sa Dark Cover at mas pinatalas ang kanyang kakayahang gamitin nang mas agresibo ang Shrouded Step.

Dark Cover

  • Nabawasan ang cooldown na dating 40s, ngayon ay 30s na lang
  • Dagdag na cost na dating 100 credits, ngayon ay 150 na
  • Dagdag na projectile speed na dating 2800, ngayon ay 6400 na

Shroud Step

  • Nabawasan ang cost na dating 150 credits, nagyon ay 100 na lang
  • Nabawasan ang pre-teleport delay na dating 1s, ngayon ay 0.7s na lang

Ang mas mabilis na smoke travel time ay tutulong sa kanyang makapag set up ng mas mabibilis na push, na nangangahulugan ng mas kaunting oras para maghanda ang mga kalaban. Dagdag pa dito, ang mas maikling cooldown ay makakatulong sa kanya sa mga mid-round scenarios kung saan susi ang adaptability.

Pero ang pinakainteresanteng pagbabago ay yung sa Shrouded Step. Kaya nya nang pumosisyon ang mas mabilis dahil sa mas maikling pre-teleport delay, kaya’t mas malaki angb tsansa na gulatin ang mga kalaban sa mga sneaky plays.

Bukod pa dito, nagdagdag ng forward spawn offset sa Paranoia, kung kaya’t maliit na ang tsansa na mabulag ang iyong mga teammates na malapit sa’yo.


Brimstone

Valorant Brimstone
Credit: Riot Games

Ang kahinaan ni Brimstone ay ang limitadong range ng kanyang Sky Smokes, kaya’t dadagdagan ng Riot ang deploy radius upang mapalakas ang kanyang utility sa iba’t ibang maps.

Nagbibigay din ng speed buff ang Stim Beacon para makatakbo nang mas mabilis ang mga players, maganda itong bonus upang maging mas competitive si Brimstone.

Sky Smoke

  • Nabawasan ang deploy time na dating 2s, ngayon ay 1s na lang
  • Dagdag na deploy radius na dating 5000, ngayon ay 5500 na
  • Dagdag na smoke height upang pumantay sa ibang controllers

Stim Beacon

  • Nagbibigay na rin ng 15% speed boost bukod sa RapidFire

Ang llahat nang pagbabagong ito ay makakaapekto sa kabuuang controller role sa Valorant, ngunit para ito sa ikabubuti upang mapaganda ang game health sa Episode 4 Act II.

Sa paniniguro na walang isang controller na higit na nakakalamang sa iba, inilalatag ng Riot ang pundasyon para sa mas diverse na agent selections at mas creative na gameplay para sa hinaharap.

Mababasa ang full notes ng Valorant patch 4.04 dito.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.