Kilala ang Team Liquid streamer na si Jonas “Average Jonas” Narvarsete dahil sa kanyang husay sa paggamit sa Russian initiator na si Sova. Nagagamit nga ang mga Sova lineups niya sa ilang pro Valorant games, at isa rin siya sa mga dahilan kung bakit kinakatakutan ang nasabing agent lalo na pagdating sa post-plant at retake.
Kung gagamitin nang maayos, hindi matatawaran ang abilidad ni Sova sa paglakap ng impormasyon para sa kanyang koponan. Kayang-kaya niyang bigyan ng advantage ang mga ito bago gumawa ng hakbang.
Sa isang clip, muling ipinaalala ng tubong Norway kung gaano niya kagamay ang kit ni Sova matapos niyang gamitin ang bawat ability nito para matulungan ang kanyang koponan na ma-retake ang A site sa Ascent.
Shock Bolt lineup ng Sova ni Average Jonas para ma-retake ang A site sa Ascent
Sa larong ito, makikita ang opera-singer-na-naging-streamer na nasa eco round. Dehado sila ng kanyang koponan sa iskor na 7-9. Papunta ang mga kalaban sa A site ang lumapit si Average Jonas sa A Heaven mula sa ramp.
3v4 ang stiwasyon. Hinintay muna ng tanyag na Sova player na isara ang pinto sa A Tree dahil alam niyang magtatanim na ang mga kalaban pagkatapos nito. Nang simula na ang plant, gumamit siya ng double Shock Bolt para mapigilan ito.
Para mapigilan ang default plant mula sa A ramp, ipwesto lang ang character sa may metal railing sa tuktok ng rampa.

Itutok ang crosshair sa may taas, sa may kanto ng bubungan. Mag-charge ng isang bar para sa Shock Bolt at tumalon, ‘pag naabot na ang pinakamataas na point ng talon, saka ito bitawan. Tatama dapat ito sa may harap ng generator at mada-damage ang sino mang nagtatanim ng spike.

Sinundan ni Average Jonas ng isa pang Shock Bolt sa parehong spot. Para naman sa ikalawa, itutok ang crosshair sa may gitna ng haligi at ibitaw ito nang hindi nagcha-charge o tumatalon. Tatama dapat ang parehong dart nang mabilis at magkasunod.

Dahil sa ginawa niyang ito, alam niyang alam na ng mga kalaban kung nasaan siya. Naghanda siyang ma-push mula sa A Heaven at napatay ang Reyna na nag-peek.
2v1 na ang sitwasyon matapos nito. Meron pa siyang Hunter’s Fury kaya nagpabanda siya ng Recon Bolt sa A Window para ma-check kung pwede niya gamiting ang nasabing ultimate nang hindi napipitas. Walang na-detect na kalaban ang Recon Bolt kaya ginamit niyo ito para ma-tag ang huling kalaban na Skye.
Tagumpay si Average Jonas sa ikatlong blast, tsaka niya ginamit ang Owl Drone para makita kung lumipat ba ng pwesto ang kalaban. Nagpu-push sa sa site mula sa A Tree ang kakampi niyang Astra, pero pinigilan niya muna ito hangga’t hindi niya nakikita ang posisyon ng Skye gamit ang drone. nang ma-tag na sa wakas ang natitirang kalaban, inipit nila ang kalaban para mapatay na ito.
Sa play na ito, nagawa ni Average Jonas na ma-pressure ang site nang hindi ine-expose ang kanyang sarili sa kahit sinong kalaban habang naglalaro sa A site. Tagumpay siya sa pagpigil sa plant habang kumakalap ng impormasyon tungkol sa puwesto ng kalaban.
Tampok dito ang tamang paggamit sa mga ultility ni Sova pati na rin ang pakikipag-communicate habang nasa 2v1 situation.
Madaling gawin ang magkasunod na Sova Shock Bolt lineup mula sa A ramp. Puwede niyong gawin ito para mapigilan ang default plant ‘pag narinig niyong nagtatanim na ang kalaban.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: ShahZam inilahad na sumasahod nang hanggang P1 milyon ang Valorant pros sa NA