Hindi hamak na mas mahirap ang Valoratn kaysa Counter-Strike, ayon sa Twitch superstar na si Michael “Shroud” Grzesiek.

Ang dating Counter-Strike pro ay kasalukuyang nasa bootcamp kasama ng Sentinels sa Texas, at ilang araw na lang bago ang pinakahihintay ng lahat na Valorant pro debut niya sa VCT NA Last Chance Qualifier.

Ang 28-anyos ay ang dating isa sa mga pinakamatagal na players sa CS:GO roster ng Cloud9, bago siya nagdesisyong tumigil sa competition noong 2018 upang mag-focus sa kanyang streaming career.

At dahil dito, ang pinakahuling pananaw ni Shroud tungkol sa Valorant ay sobrang layo sa dati niyang pahayag. Gaya ng maraming CS:GO pro, sinabi niya dati na mababa lang ang skill ceiling ng bagong shooter ng Riot Games, na may madaling movement at aim mechanics.


Sa tingin ni Shroud ay mas mahirap ang Valorant kumpara sa CS

Sentinels Shroud Valorant CSGO
Credit: Sentinels

Gayunpaman, dalawang taon matapos unang ilabas ang game, mukhang nagbago na ang isip ng bagong player ng Sentinels.

“CS looks like a joke compared to Valorant, I’m telling you,” sabi niya sa kanyang huling stream. “There’s no sugarcoating it or anything. [Valorant’s] just hard.”

Ngunit hindi pa rin niya maiwasang isipin kung may kinalaman ang lower skill ceiling ng Valorant sa kung gaano kahirap ang laro.

“I wonder if it’s hard because everyone is so good, and everyone is so good because the game is arguably easier,” dagdag pa niya. “Maybe that’s why. It keeps the competition high.”



Bagama’t itinuturing na mas mechanically challenging na game ang CS:GO, ang Valorant ay mas malalim pagdating sa taktika dahil sa iba’t ibang agents, utilities, at ultimate economy. Nangangailangan din ito ng mas mahusay na kakayahang mag-adapt sa mga mid-round situations. Tulad ng hindi inaasahang pagkawala ng inyong controller agent kasama ng lahat nang smokes sa simula pa lang ng round.

Ang 28-anyos na ay maglalaro sa kanyang kauna-unahang pro Valorant match laban sa VCT NA Stage 1 Challengers champions na The Guard sa August 4.

Ang mananalo sa LCQ ay makakapasok sa Valorant Champions sa September. Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Twitch at YouTube channels ng Valorant.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.