Magkakaroon ng rework ang isa sa mga pinakakontrobersyal na maps sa Valorant. Ayon sa maps and modes design lead na si Joe Lansford, tinatrabaho ngayon ng kanyang team ang ilang mga pagbabagong gagawin sa Fracture upang mas mapaganda ang overall player experience.

Sa isang developer update na na-post sa TikTok, sinabi ni Lansford na binabalak nilang baguhin ang pangkalahatang “quality of life” sa buong Fracture, dagdag pa dito ay ang gawing mas “defensible” ang A site.

Ang Fracture ay isa sa mga mas kakaibang maps sa Valorant. Meron itong dalawang attacker spawns, kung kaya’t may kakayahan ang mga attackers na ipitin ang mga defenders mula sa magklabilang dulo ng mapa.

Sa maraming paraan, pabor ang Fracture sa mga attackers, kung kaya’t may pressure sa mga defenders na aktibong makuha ang map control.

Mga pagbabago sa Fracture magaganap sa parating na update

Fracture Overview
Credit: Riot Games

Isa sa mga areas na pinakamahirap i-control sa Fracture ay ang Dish. Kaya itong mapuntahan ng parehong attackers at defenders sa sandaling mawala ang barrier, subalit puno ito ng mga alanganing angles.

Ang mga attackers na susugod sa Dish ay kinakailangang mag-ingat sa parehong kaliwa at kanang bahagi ng istruktura. Kasabay nito ay maaari din silang maipit ng mga defenders na manggagaling sa B Arcade, na magiging sakit ng ulo gaano man kalaki ang kumpyansa ng mga players na mapupunta sa sitwasyong ito.

Ang magandang balita ay malapit nang dumating ang mga pagbabago sa Dish, sabi ni Lansford, upang gawing mas “usable” ang lugar na ito mapa-atake man o depensa.

Mas nagiging komplikado ang disenyo ng Fracture dahil kabaligtaran ito ng tradisyunal na three-lane map gaya ng Pearl. Bagama’t kadalasang nakasalalay sa mga attackers ang pag-agaw ng space, kabaligtaran naman ito ng sa Fracture.

“For Fracture, we wanted to flip neutral space on its head,” sabi ni Lansford. “Neutral space is the territory between each team’s half of the map. So attackers own their attackers spawn area and defenders own the sites.”

“Generally, the onus is on the attackers [to take control], but here the pressure is on defenders to push out and take space.”

Kung hindi mangyayari ito, nanganganib silang ma-push mula sa magkabilang dulo at meron lamang silang maliit na lugar para mag-counterplay o tangkaing mag-retake.

Sa mga nagdaang updates, nagawa ng Riot Games na maglagay ng maliliit ngunit makabuluhang pagbabago sa mga mapa gaya ng Split, Bind, at Breeze. Dahil sa mga pagbabagong ito ay naging mas balance ang mga maps, dagdag pa dito ay naging mas simple at mas madali toing maunawaan.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.