Handa ka na bang simulan ang bagong taon sa Valorant Episode 4 Act I Battle Pass?

Ipinakikilala ng Valorant Episode 4 Act I ang Disruption, ang pinakabagong theme ng game para sa 2022. Kasabay ng pagdating nito ay ang unang Battle Pass ng taon, tampok ang mga astig at nakakaaliw na designs na magbibigay-buhay sa collection ng mga fans.

Tulad ng mga naunang passes, magkakahalaga ito ng 1,000 Valorant Points (VP).

Kung hindi ka pa desidido kung handa kang gumastos ng ganito karaming VP sa simula ng taon, bumuo kami ng listahan ng top 5 collectibles muloa sa Valorant Episode 4 Act I Battle Pass na maaaring magpabago ng isip mo.

Malay mo, mas maging masaya at enjoyable ang paglalaro mo dahil sa bagong buddy, player card, spray, o weapon skin na makukuha mo.


Top 5 collectibles mula sa Valorant Episode 4 Act I Battle Pass

5. Velocity Bulldog weapon skin (Tier 10)

Valorant Episode 4 Act I Battle Pass Velocity Bulldog Weapon Skin
Credit: Riot Games

Siguradong gaganda ang FPS experience mo dahil sa astig at kapansin-pansin na design ng Velocity Bulldog weapon skin.

“We wanted the gun skins in this Battle Pass to stand out, especially the Velocity set,” sabi ni Associate Art Director Sean Marino – at ginawa nga nila!

Tandaan din na mas magiging malakas ang Bulldog sa mga susunod mong games, dahil magiging mas maaasahan na ang burst-fire nito para sa mga long-range battles.


4. Together Forever Buddy (Tier 23)

Valorant Episode 4 Act I Battle Pass Together Forever Buddy
Credit: Riot Games

“We learned a lot more into holidays with the previous Battle Pass, so we decided to have some holiday fun with this one as well,” pahayag ni Senior Producer Preeti Khanolkar nang tanungin tungkol sa mga notable concepts na gustong ihatid ng Riot Games team sa Valorant Episode 4 Act I.

Kaya napagdesisyunan nilang magdagdag ng Valentine’s Day themed content tulad ng Together Forever Buddy. Kung ang paglalaro ng Valorant ang isa sa mga paraan para maka-bonding nyo ang inyong significant other, baka gusto nyong ilagay ang buddy na ito sa mga paborito nyong baril.


3. Unstoppable Sage Player Card (Tier 48)

Valorant Episode 4 Act I Battle Pass Unstoppable Sage Player Card
Credit: Riot Games

Sage mains, mag-ingay! Patuloy pa rin ang Riot Games sa ilang collectible series tulad ng mga Unstoppable player cards, at tampok ngayon sa Battle Pass na ito ang OG healer.

Kung si Sage ang iyong ride-or-die main, o ang iyong waifu para sa Valentine’s, magalaro ka na nang maglaro para makuha mo ang player card na ito sa lalong madaling panahon.


2. Agent Down Spray (Tier 21)

Valorant Episode 4 Act I Battle Pass Agent Down Spray
Credit: Riot Games

May Dragon Ball Z fans ba dito?

Tulad ng dati, ang napakatalentadong art team ng Valorant ay naglagay ng isa na namang nostalgic piece ng anime history sa Valorant Episode 4 Act I Battle Pass. Ang Agent Down Spray buddy ay malinaw na reference sa todo-kompyansang character na si Yamcha at ang kanyang nakakagulat na pagkasawi.

Namatay si Yamcha sa kamay ng Saibaman nina Vegeta at Nappa na kumapit sa kanya at nag-self destruct sa isang di malilimutan na episode ng Dragon Ball Z.

Mukhang napasubo si Brimstone sa pagkakataong ito, at sinapit rin ang naging kapalaran ng kanyang Dragon Ball Z counterpart.


1. Velocity Karambit weapon skin (Tier 50)

Valorant Episode 4 Act I Battle Pass Velocity Karambit Weapon Skin
Credit: Riot Games

Isa pa sa mga kapansin-pansin na weapon skin mula sa Velocity skin set ay ang Karambit, ang unang karambit-style melee na in-offer sa Battle Pass.

Dahil sa apat na color variants (orange, yellow, purple, at green) na pagpipilian, nangingibabaw ito sa ibang mga karambit na nauna, at magiging magandang pandagdag sa iyong collection.

Ang Valorant Episode 4 Act I Battle Pass ay naging available noong January 11, 2022. Hindi pa nababanggit ng Riot Games kung hanggang kalian ito magiging available, ngunit kung magiging katulad ito ng mga naunang Battle Pass, magkakaroon ang mga players ng 10 linggo para ma-unlock ang lahat nang collectibles.

Kasama rin sa Episode 4 Act I ang bagong Filipino Valorant agent ng Riot Games na si Neon, pati na rin ang Terminator-themed Protocol 781-A skin bundle.

Para sa iba pang balitang gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.