Maaaring magbalik ang Valorant Masters 2022 sa Iceland, ayon ito sa post mula sa official Valorant Esports account sa Chinese social media website na Weibo. Burado na ang post, kung kaya’t marami ang nag-iisip na ito ay isang hindi sinasadyang leak.

Kung sakaling totoo nga ang post, muling magiging host ang Reykjavik para sa unang Masters event ng taon, at unang international LAN event ng VCT 2022 circuit. Noong May ng nakaraang taon, naging saksi ang kabisera ng Iceland nang ma-sweep ng Sentinels ang tournament, kung saan kinuha ng mga halimaw ng North America ang tropeyo sa isang makasaysayang tournament run.


Kailan gaganapin ang Valorant Masters?

Valorant Dapr Zombs TenZ Sentinels Valorant Masters Berlin
Credit: Riot Games

Iniulat na gaganapin ang masters 1 mula April 10 hanggang 24, na tatagal nang dalawang linggo sa halip na isa. “As host country, Iceland has hosted our recent major events brilliantly, and in the current global situation, provides the best way to ensure a successful event,” ayon sa translated version ng Weibo post.

Mukhang maninigurado ang Riot Games at pipiliin ng lungsod na subok na para sa pinakaaabangang LAN event, sa halip na pumili ng bagong host city na maaaring magkaroon ng mga bagong logistical hurdles.

Walang kumpirmasyon kung magkakaroon ng live audience sa event, ngunit tila sinasabi sa post na Iceland ang magiging go-to location ng Riot para sa mga Valorant LAN tournaments habang hindi pa ligtas na pabalikin ang mga fans sa arena.

“​​It is precisely because of our deep relationship and strong connection with Iceland that all qualifying teams are given the best guarantee of participation. In addition, Iceland’s time zone makes it easy to schedule matches for online viewers on different continents,” patuloy pa ng post.

Ang unang Masters tournament ay inaasahang dadaluhan ng 12 teams, kung saan paglalabanan nila ang mga VCT circuit points upang mag-qualify para sa Champions sa pagtatapos ng taon.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.