May dalang magagandang balita ang Valorant patch 4.01.
Kabilang na sa mga ito ang mga pagbabagong ginawa ng Riot Games sa Ares na dinomina ang meta matapos makatanggap ng major buffs sa nakaraang Episode 4 Act 1 patch 4.0.
Dahil sa pagtanggal sa spin-up time at pagdagdag ng fire rate ng armas na ito, naging overpowered ang Ares para sa presyo nito at may damage na halos katumbas ng sa Phantom at Vandal.
Sobrang affordable rin ng Ares kaya binibili ito ng players kahit na matalo sa pistol round upang mapawalang-bisa ang bentahe ng winning team sa unang round.

Ini-spam ng mga manlalaro sa lahat ng rank ang Ares sa kanilang mga laro at sa ilang sitwasyon ay na-outperform pa nito ang Phantom at Vandal.
Mga pagbabago sa Valorant patch 4.01
Weapon update (Ares nerf)

Napagdesisyunan ng Riot Games na gawing mas mahirap kontrolin ang Riot Games sa Valorant patch 4.01 sa pamamagitan ng pagdagdag ng pitch recoil at pagbaba ng spread at recoil reduction kapag nagka-crouch mula sa 40% tungo sa 25%.
Bagamat nanatili ang spin-up at fire rate nito, naging mas hindi tumpak ang Ares kapag patuloy itong ginagamit. Dinagdagan rin ang presyo nito mula 1,550 patungong 1,600 credits.
Tangan din ng Valorant patch 4.01 ang mga pagbabago sa melee attacks na unang binanggit sa nakaraang update. Pinalaki ng 1.5x ang hitbox ng right-click habang ang hitbox naman left-click ay mas malaki kaysa sa right-click at mas mahaba nang konti ang range.
Social update (Listahan ng muted words idinagdag sa settings)

Pwede nang i-mute ng mga manlalaro ang mga salitang ayaw nilang makita sa chat sa pamamagitan ng pag-block sa mga ito sa settings.
“We admit that some players are often smarter than our automated bad word detection system and continually find creative ways to type things we don’t want to in chat. This is why we need your help to make our detections better,” sabi ni Valorant Comms Strategist Jeff Landa.
(Aminado kami na ang ilang players ay mas matalino kaysa sa aming automated word detection system at patuloy din silang naghahanap ng paraan para i-type ang mga bagay na ayaw natin makita sa chat. Ito ang dahilan kaya kinakailangan namin ang inyong tulong para mas mapalakas pa ang aming detection.)
At sa wakas, inayos din ng Riot Games ang WideJoy banner meme sa pamamagitan ng pag-adjust sa image aspect ratio ng Rainfall player card banner.
Basahin ang kabuuan ng Valorant patch 4.01 notes dito. I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balitang tungkol sa shooter title ng Riot Games.
Base ito sa artikulo ni Nigel “Zim947” Zalamea ng ONE Esports.