Nagte-test ngayon ang Riot Games ng isang bagong smurf detection functionality sa Valorant patch 5.01 upang mas maging patas ang inyong mga laro.
Kung gagana ito, mababawasan nito ang mga tsansa na may makalaban kang smurf at madurog ng isang Radiant player.
Ang feature na ito ay sinusubukan muna sa North America para siguruhing gumagana ito bago ilatag sa lahat ng server. Nagsimula ang testing ngayong linggo, ayon sa Riot, kaya pwedeng asahan ng mga players sa NA server ang mas consistent na mga laro.
Nagdagdag ang Valorant patch 5.01 ng bagong smurf detection feature

Ang bagong smurf detection system sa Valorant patch 5.01 ay dinisenyo upang siguraduhin na ang mga bagong manlalaro ay makakatapat ng iba na may saktong skill level nang mas mabilis kaysa dati. Nangangahulugan ito na dapat mas mabilis nang malaman ng laro kung ang isang batikan nang manlalaro ay hindi talaga isang bagito para mabawasan ang tsansa na mag-farm sila sa mga totoong baguhan.
Dahil ang Valorant ay free-to-play, mas madali para sa higher-ranked players na gumawa ng bagong account at dominahin ang lower levels. Sa nakalipas na taon, nagsagawa ng mga hakbang ang Riot para hadlangan ang mga players na gawin ito, katulad na lang ng mas mahirap na pag-unlock ng competitive mode.
Ang mga bagong account ngayon ay kailangang at least Level 20 at makakuha muna ng 10 wins sa Unrated bago makapasok sa competitive queue kaya naman nadagdagan ang time commitment para makapaglaro ng ranked games.

Sinusubukan rin ng sistemang ito na itulak pataas ang mga players na nag-a-outperform sa kanilang kasalukuyang rank—na halos parehas din sa kaso ng isang smurf. Halimbawa, nagbibigay ito ng mas maraming RR para sa magandang performance. Posible rin ang double rank ups kung diperensya sa pagitan ng iyong MMR at rank ay lagpas nang talong ranks.
Nga lamang, ang bagong measure na ito sa Valorant patch 5.01 ay hindi nabanggit ang existing smurf accounts. Mabilis na tinuligsa ng mga players ang feature at sinabing hindi ito sapat, kaya hangad nila ang mas mahigpit na measures tulad na lang ng mandatory two-factor authentication na magre-require sa bawat Valorant account na i-link sa gumaganang phone number.
Parehas ito sa Prime status ng CS:GO na tinatali ang iyong account sa iyong phone number.
Ni-roll out din ng Valorant patch 5.01 ang buffs kila Phoenix, Yoru at KAY/O na nasubukan na sa Public Beta Environment (PBE).
Basahin ang kabuuang notes ng Valorant patch 5.01 sa link.
Para sa Valorant news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.