Maraming malalaking pagbabago ang magaganap sa competitive Valorant. Ang VCT 2023 season ay magkakaroon ng bagong format, tampok ang tatlong bagong international leagues na tanging mga piling partner teams lamang ang pwedeng lumahok.

Halintulad ito sa sisstemang ginagamit ng Riot para sa League of Legends, kung saan merong fixed selection ng mga teams sa bawat league na maglalaban-laban upang makarating sa world championship sa pagtatapos ng taon.

Ang mga bagong ligang ito ay nangangahulugan din ng mga bagong oportunidad upang makaharap sa international competition sa regular season, kumpara sa kasalukuyang format kung saan ang mga teams ay haharap lamang sa mga kalaban sa labas ng kanilang rehiyon sa mga events tulad ng Masters at Champions.

Sa pagdating ng 2023, naglabas ang Riot Games ng karagdagang detalye tungkol sa competitive calendar para sa paparating na season, kabilang na ang Masters, Champions, at ang mga Last Chance Qualifiers at Challenger Circuits.


VCT 2023 ay gaganapin sa Berlin, Seoul, at Los Angeles

VCT 2023 season Three Leagues
Credit: Riot Games

Ang unang competitive split ng taon ay magsisimula sa weekly LAN competitions sa EMEA, Pacific, at Americas. Ang tatlong league matches an ito ay nakatakdang ganapin sa tatlong lungsod – Berlin, Seoul, at Los Angeles.

Upang mas mapalawak ang reach ng bawat liga, sinabi ng Riot na ang bawat lokasyon ay katatampukan ng on-site talent na magbibigay ng coverage sa iba’t ibang lengwahe para sa mga fans sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ang unang split ay gaganapin sa March hanggang May, na bubuuin ng walong linggo ng regular season competition. Ang bawat international league ay magkakaroon ng kampeon sa pagtatapos nito, at ang mga pinakamahuhusay na teams mula sa split ay aabante papunta sa unang Masters event ng VCT 2023 season.

Bagama’t ang mga susunod na seasons ay magkakaroon ng dalawang international league splits, ang VCT 2023 ay magkakaroon lamang ng isa. Gayunpaman, ang nag-iisang split an iyon ay gaganapin sa international tournament sa February upang mabigyan ang mga teams ng sapat na panahon upang makapag-setup sa kani-kanilang mga hub locations.

Ang mga teams ay inaasahang mag-relocate sa mga host cities ng kanilang liga, at ang proseso ng paglipat ay nangangailangan ng mahabang panahon.

“The Valorant community’s passion inspired us to dream big and evolve the Valorant Champions Tour to meet the overwhelming demand we’re seeing in every corner of the world,” sabi ni Whalen Rozelle, COO ng Esports sa Riot Games. “In 2023, we’re taking everything we’ve learned, adding in new ideas, and forming partnerships that will help us realize our dreams for the next edition of the VCT.”


Magkakaroon pa rin ng Masters at Champions events sa VCT 2023

VCT 2023 season Schedule
Credit: Riot Games

Ang ikalawang international tournament ng taon, ang Masters, ay magbabalik sa June at katatampukan ng mga pinakamahuhusay na teams mula sa bawat international league.

Gagantimpalaan din nito ang mga top teams mula sa bawat teritoryo ng direktang imbitasyon patungong Champions, ang premier event ng taon.


Magkakaroon ng tatlong Last Chance Qualifiers

Ang mga top performing teams na hindi pa nakakapasok sa Champions ay magkakaroon ng huling pagkakataon sa Last Chance Qualifiers sa July.

Ang mga mananalong teams mula sa bawat isa sa tatlong LCQs ay aabante naman sa Champions sa August.


Challengers Circuit magbibigay daan sa mga teams upang umabante sa international stage

Para sa mga teams na hindi napili para sa mga international leagues, ang Challengers Circuit ay gaganapin kasabay ng regular VCT 2023 season. Ang circuit ay magbibigay ng daan sa mga teams upang makapasok sa international competition para sa VCT 2024 season.



Magkakaroon ng dalawang Challenger splits. Ang una ay magsisimula sa January, at susundan naman ng ikalawa sa March. Magtatapos ang mga ito sa tatlong Ascension tournaments sa July – isa poara sa bawat international league. Ang mga tournaments na ito ay lalahukan ng mga pinakamahuhusay na teams mula sa mahigit 20 iba’t ibang Challenger leagues na maglalaban sa LAN para ma-promote at makapasok sa international leagues.

“After an inaugural season full of new changes and new events – the mission becomes critically simple,” sabi ng Riot. “Secure the Champions cup and write your name into the history books.”

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.