Nagbabalik na ang VCT Game Changers APAC 2022 Series, ang women’s Valorant circuit ng Riot Games.
Noong nakaraang taon, kinoronahan ang Indonesian Valorant squad na Alter Ego Celestè sa Game Changers SEA Elite tournament matapos pangibabawan ang all-Thai team na MAD Army sa grand finals sa iskor na 3-1. Nag-uwi sila ng $10,000, o higit ₱500,000, kaya naman isa sila sa mga inaabangang koponan ngayong paparating na season.
Ang bagong VCT Game Changers APAC 2022 series
Layunin ng Game Changers tournament series ng Riot Games na mabigyan ng oportunidad ang mga kababaihan at iba pang kasarian sa Valorant esports ecosystem.
Kasama ang FSL, ang tournament series ngayong taon ay bubuuin ng apat na stages na may kabuuang $60,000, o higit ₱3,000,000, prize pool.
Overview ng VCT Game Changers APC 2022 series

Magho-host ang VCT Game Changers APAC Open ng apat na turneo kung saan tampok ang 64 teams. Tatlo sa mga ito magka-qualify sa APAC Elite stage. May $5,000, o higit ₱250,000, na prize pool at point pool sa bawat open tournament.
Walong koponan naman ang tampok sa VCT Game Changers APAC Overtime, mula sa mga nagtapos sa ika-apat hanggang ika-11 puwesto sa naunang open. Ito ay para mabigyan sila ng tsansa na maka-qualify sa APAC Elite tournament.
Ang VCT Game Changers Elite tournament ang grand final stage ng APAC 2022 series. Ang final eight qualified teams ay maglalaban-laban para sa $35,000, o humigit-kumulang ₱1,800,000 na prize pool. Maiimbitahan din ang mananalong koponan sa global Game Changers tournament ng Riot Games.
Season schedule ng VCT Game Changers APAC 2022 series

VCT Game Changers APAC Open 1
- Registration: Pebrero 7 hanggang 20
- Group stage: Pebrero 26 hanggang 27
- Playoffs: Marso 3 hanggang 6
VCT Game Changers APAC Open 2
- Registration: Marso 18 hanggang 29
- Group stage: Abril 2 hanggang 3
- Playoffs: Abril 7 hanggang 10
VCT Game Changers APAC Open 3
- Registration: Abril 15 hanggang 26
- Group stage: Abril 30 hanggang May 1
- Playoffs: Mayo 5 hanggang 8
VCT Game Changers APAC Open 4
- Registration: Mayo 13 hanggang 24
- Group stage: Mayo 28 hanggang 29
- Playoffs: Hunyo 2 hanggang 5
VCT Game Changers APAC Open Overtime
- Hunyo 29 hanggang Hulyo 3
VCT Game Changers APAC Last Chance
- Registration: Hulyo 25 hanggang Agosto 9
- Agosto 16 hanggang 20
VCT Game Changers APAC Elite
- Oktubre 1 hanggang 2, at Oktubre 8 hanggang 9
Bubuksan ang registration links sa mga susunod na araw sa opisyal na website ng Valorant.
Para manatiling updated sa 2022 VCT at Game Changers season, i-follow ang ONE Esports Philippines.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Pumirma ng isang all-female Brazilian Valorant team ang Team Liquid para sa VCT 2022 season