Nawala ang halos lahat nang life savings ng dating TSM star na si Matthew “Wardell” Yu matapos umanong ma-hack ang kanyang crypto wallet.

Nagpahayag ang ang Valorant player sa Twitter matapos ang insidente, kung saan nanghihingi siya ng tulong na matunton ang may sala.

“I can’t just let them walk away with my life savings for free,” sabi niya.

Hindi inilipat ni Wardell ang kanyang digital assets sa isang cold wallet

TSM Wardell
Credit: Riot Games

Mabilis na itinuro ng mga fans ang pagkakamali na nagawa ng 23-anyos nang hindi niya nailipat ang kanyang holdings sa cold storage. Ito ay isang hardware device na ginagamit pang-store ng cryptocurrency at iba pang digital assets offline, na tumutulong promotekta laban sa mga online attacks.

Sa kabilang banda naman, ang online (o hot) wallet ay nakakonekta sa internet, kung kaya’t mas vulnerable ito sa mga hackers. Ang ibang cryptocurrency holders ay pinipiling iwan ang kanilang coins sa isang exchange dahil mas madali mag-trade, stake, o mag-cash out ng profits, ngunit nananatili pa rin itong hindi ligtas.

“I didn’t click any links or download anything. The person just unstaked everything I had and transferred it over,” sabi ni Wardell sa kanyang Twitter account na dedicated sa cryptocurrency.

Nag-post siya ng listahan ng mga wallet addresses kung saan na-transfer ang kanyang cryptocurrency at mga non-fungible tokens (NFTs), na marahil ay konektado sa hacker. Bagama’t alam ng player na posibleng hindi na maibalik ang kanyang mga assets, humingi pa rin siya ng tulong upang maibunyag ang hacker.

Sa stream, tapa na nagpahayag ang dating pro tungkol sa pagkawala ng kanyang savings. “I was so sad. I sat in bed all day for three days in a row,” sabi niya.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.