May pasabog na panimula sa Masters Copenhagen ang star ng XERXIA Esports na si Thanachart “Surf Rungapajaratkul. Bagama’t hindi nalampasan ng kanyang team ang FunPlus Phoenix, nag-iwan pa rin ng marka si Surf sa entablado nang ipamalas niya ang kanyang walang takot na pagsalakay at malahalimaw na tutok gamit ang Operator.

Gamit si Chamber, alam ng 18-anyos kung paano gamitin nang tama ang mga Rendezvous teleporters ng French sentinel, kung saan nakakakuha siya ng mga agresibong posisyon nang hindi nakakabawi ang kalaban kahit pa nasa dehado anggulong ito.

Hawak ang Operator, nakapitas siya ng ilang ulo mula sa mga kalaban nang hindi nagagantihan, kung kaya’t nahirapang makapwesto nang maayos ang FPX sa Bind.


Ipinakita ni Surf kung paano dapat gamitin si Chamber

Sa Round 17, nag-push si Surf sa A Short habang nasa defense, kung saan nabigyan niya ng isang matinding flick ang Brimstone ni Kyrylo “ANGE1” Karaso kahit na hindi niya ito inaasahang lumitaw sa kanyang kaliwa.

Pagtapos ay nag-teleport siya papuntang A Heaven upang hindi siya mapitas ng mga kasamahan nito, at natagpuan niya ang kanyang ikalawang biktima na si Pontus “Zyppan” Eek, na nag-push sa site galing sa showers. At dahil napatay na si Brimstone, hindi nagawa ng FPX na i-deny sa kanya ang vision mula sa Heaven, at nakuha niya ang kanyang ikatlong kill kay Andrey “Shao” Kiprsky.



Sinubukan siyang ikutan ni Ardis “ardiis” Svarenieks mula sa vents, ngunit handing-handa si Surf para sa kanya. Paglabas pa lang ni ardiis sa kanto ay nakasentro na siya sa scope ng naghihintay na sniper.

Sa sumunod na round, pinili niyang dalhin ang aksyon sa B site, kung saan agresibo siyang naglagay ng pressure sa B Long. Dito ay maaga siyang nabiyayaan ng kanyang unang kill kay FPS in-game leader na si ANGE1, kaya’t napilitan si Shao na gamitin ang Nightfall ultimate ni Fade upang pwersahin siyang umatras.



Ang mga sumunod na nangyari ay isa sa mga patunay kung bakit maraming pro players ang nagsasabing si Chamber ang pinaka-broken na agent sa game.Kumpyansa dahil alam niyang madali siyang makakatakas, hindi natinag sa kanyang posisyon ang XERXIA player.

Sa kabila ng kanyang pagka-deafen na dulot ng Nightfall, sumugod pa rin siya upang itumba si Shao, isang mapangahas na play na hindi magiging posible sa ibang agent.

Sa mga oras na ito, nakalibot na si ardiis papuntang B Garden mula sa Hookah, ngunit nagawa pa rin siyang mahuli ni Surf sa kanyang tangkang pagtakas.

Nagagawa ng mga players na kumuha ng mga delikadong posisyon nang walang pag-aalala dahil sa French weapons expert, at sinamantala ito ni Surf.Nasa pangalawang araw pa lang tayo ng group stage sa Copenhagen, pero most picked agent na kagad si Chamber na nasa 73 percent.  

Gayunpaman, sa kabila ng mahusay na ipinakita ng kanilang young prodigy, lumuhod pa rin ang XERXIA sa FPX 2-1.

Ang lahat nang matches ay mapapanood nang live sa official Valorant Twitch at YouTube channels.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.