Ngayong tukoy na ang 12 koponan na magtatagisan ng tutok sa Masters Copenhagen, nagkukumahog na ngayon ang mga analyst para matukoy kung sino nga ba ang mag-uuwi ng ikalawang international trophy ngayong taon.

Hindi nakagugulat na marami ang pumupusta sa OpTic Gaming at Fnatic, pero ibahin niyo si Donnie “Elevated” Chell, isang Valorant analyst at content creator para sa Acend, dahil wala sa dalawang koponang ito ang kanyang pinupusuan.

Para sa kanya, ang back-to-back champions ng VCT APAC na Paper Rex ang top team sa kanyang power rankings.

Paper Rex ang top team sa Masters Copenhagen para kay Elevated

Ito ang top team sa Masters Copenhagen, hindi OpTic o Fnatic
Credit: Valorant Esports

Gaya ng DRX ng Korea at LOUD ng Brazil, nagtala ng undefeated run ang PRX sa regional playoffs matapos walisin ang karibal na XERXIA Esports sa iskor na 3-0 noong grand final. Sa Masters Reykjavik, nagpabilib din ang koponan nang tapusin nila ang kanilang kampanya sa ika-apat na puwesto matapos pabagsakin ang mga higante tulad ng G2 Esports at The Guard.

Marami ang bumibilib sa mabilis at eksplosibong playstyle ng PRX. Kayang-kaya nilang manalo sa tulong ng coordinated aggression at matinding kumpiyansa sa kanilang tutok.

Ito ang top team sa Masters Copenhagen, hindi OpTic o Fnatic
Credit: Riot Games

Napatunayan na rin ng duelist duo na sina Jason “f0rsakeN” Susanto at Wang “Jinggg” Jing Jie kayang-kaya nila pagharian ang kanilang rehiyon habang nakikipagsabayan sa pinakamahuhusay na manlalaro sa buong mundo.

Dahil sa mga nakamit ng PRX, naniniwala si Elevated na sila ang top team sa Masters Copenhagen. Inaasahan niyang magiging mas maganda ang ipapakita nila kesa sa kampeon ng EMEA na Fnatic.

Narito ang kanyang ranking:

  1. Paper Rex
  2. Fnatic
  3. OpTic Gaming
  4. FunPlus Phoenix
  5. LOUD
  6. XSET
  7. DRX
  8. Northeption
  9. Guild Esports
  10. Leviatán
  11. XERXIA Esports
  12. KRU Esports

Hindi pa nakapag-uuwi ng kampeonato ang mga koponan mula sa APAC. Noong mga nakaraang international Valorant LAN, galing North America at EMEA ang mga nananalo. Nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang PRX sa Denmark, lalo na kung mas mahusay kumpara sa ipinakita nila noong mga nakaraang buwan ang ipamamalas nila doon.

Ito ang top team sa Masters Copenhagen, hindi OpTic o Fnatic
Credit: Riot Games

Gayunpaman, hindi ito magiging madali para sa pambato ng Southeast Asia. May dahilan kung bakit kinikilala ang Fnatic at OpTic bilang mga powerhouse, at nariyan din ang bantang hatid ng LOUD, XSET, at DRX.

Idaraos ang Masters Copenhagen simula sa ika-10 hanggang ika-24 ng Hulyo.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Makikita sa maangas na 1v4 clutch ni DRX BuZz kung bakit si Killjoy ang best sentinel sa Ascent