Madalas nating makita ang Japanese duelist na si Yoru sa pro play. Mula sa Masters Reykjavik 2022 champions na OpTic Gaming hanggang sa VCT Korea contenders na On Sla2ers, dumadami ang mga teams ang nagsisimulang mag-eksperimento gamit ang blue-haired agent.

Maaaring may kinalaman dito ang Southeast Asian powerhouse na Paper Rex. Sa Masters Reykjavik, ang Paper Rex ang team na nakakuha ng unang international win gamit si Yoru sa VCT stage, kung saan nagpakita si Jason “f0rsakeN” Susanto ng isang nakakabilib na masterclass performance sa Bind laban sa G2 Esports.

Pero hindi pa rin ito dahilan upang magbunyi ang mga Yoru mains. Maaaring hindi pa rin best pick para sa ranked play ang agent, kahit matapos ang kanyang buff na natanggap sa patch 4.04.

Sa isang eksklusibong panayam sa ONE Esports, ipinaliwanag ni f0rsakeN kung paano dapat gamitin ang Japanese trickster at kung bakit mahirap siyang gamitin sa ranked.

Kailangan ng mga Yoru players na maglaro gamit ang utility ng kanilang team

Yoru Cinematic
Credit: Riot Games

“It’s a lot harder to play Yoru in ranked than in practice,” sabi ng 18-anyos na star. “In ranked, everyone’s playing individually and there is no teamwork at all.”

Ang master of deception ay umaasa sa utilities ng kanyang mga teammates para magamit ang kanyang Gatecrash teleport nang ligtas. Halimbawa, ang flsh o stun ni Breach ay maaaring gamitin upang makatulong na i-clear ang mga angles para mas madaling makakuiha ng space si Yoru.

Nang tanungin tungkol sa kanyang approach sa paggamit ng agent, simple ang naging sagot ni f0rsakeN: Hindi pwedeng matakot na maging agresibo ang mga players. “Don’t try to do a fake teleport play or play passive,” sabi niya.

“To be good on Yoru, you have to be brave and creative with the teleport.”

Tumaas ang pick rate ng tusoing duelist sa competitive queue nitong mga nakaraang buwan. Sa patch 4.08, nasa 13.5 percent ang kanyang pick rate, kumpara sa 8.4 percent noong patch 3.10, ayon sa Valorbuff. Malayo pa rin ito kung ihahambing sa mga mas sikat na duelist ng game – si Reyna ay may 66.12 percent pick rate nitong nakaraang 30 araw – pero mas mataas pa rin kaysa kay Phoenix.

Bagama’t nakaka-tempt na gumawa ng mga flashy solo teleport play o magpanggaop na isang Fakeout clone, hindi ito madalas na gumagana gaya ng mga nakikita natin sa mga highlight reels.

Sa halip ay dapat pagsamahin ang Gatecrash at ang utility ng iyong team, sabi ng Paper Rex star, na tutulong sa iyo na magamit nang maayos ang iyong teleport.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.