Dahil sa Yoru rework na pinakahihintay ng lahat, ang duelist na dating hindi pinapansin ng marami ay biglang naging master of deception. Ang bagong abilities ng Japanese duelist sa Valorant patch 4.04 ay nagbigay sa kanya ng kakaibang kakayahan na lituhin ang mga kalaban, kaya’t napapadalawang-isip talaga ang mga players sa tuwing nakikita sya.
Ang nangunguna niyang ability ay ang bagong bersyon ng Fakeout, na lumilikha ng isang Yoru clone na bumubulag a mga kalaban na babaril dito. Subalit nangangahulugan ito na pwedeng magpanggap na decoy ang mga players upang makapunta sa likod ng mga kalaban, dahil maaaring palampasin ito ng mga kalaban para iwasang mabulag sila ng flash.
Nagbibigay ito ng mga interesanteng mind games sa pagitan ng mga players, kung saan maging ang mga top players ay nalilinlang ng isang Yoru player na tumatakbo papunta sa pader.
Narito ang top five Yoru Fakeout plays na nagustuhan namin.
Top 5 plays na naging possible dahil sa Yoru rework

5. Sinimplehan lang ni Elevated
Ipinakita ng Valorant coach at analyst na si Donnie “Elevated” Chell na gumagana ang mga pinakasimpleng plays. Makikita sa clip na tumakbo si Elevated diretso sa B site ng Split, kung saan nakita sya ng kalabang Jett na nakabantay sa B Main. Diretso lang ang naging takbo niya at hindi pinansin ang kalaban, kaya’t inisip ng Jett na isa lang syang clone at hindi sya pinansin.
Subalit nang malampasan niya ang kalaban ay agad syang tumalikod upang barilin ito sa likod.
4. No mouse and no W at D keys play ni SicK
Kilala si Hunter “SicK” Mims ng Sentinels dahil sa kanyang diverse na agent pool at kanyang kakayahan na gamitin ang sinuman sa mga ito sa mataas na level. Natural lang na subukan niya ang bagong Yoru rework sa competitive pagkalabas na pagkalabas ng Valorant patch 4.04.
Tulad ng ipinakita niya, gumagana ang pagpapanggap bilang isang clone kahit sa pinakamataas na level ng Valorant ranked play sa North America.
Sa kabila ng pagkakamali niyang galawin ang kanyang crosshair, nakaligtas si SicK sa pagkakabulag ng kalabang Omen at nakaabot sya sa garage window ng Haven, kung saan nilito niya rin si Cypher gamit ang sound cue mula sa kanyang fake teleport.
3. Yoru mind games ni iiTzTimmy
Ibang level ng mind games naman ang ginawa ni Timmy “iiTzTimmy” An sa Ascent, kung saan lumapit sya sa kalabang Sova kasama ang kanyang Yoru Fakeout decoy.
Subalit imbis na sundan ang kanyang clone, inunahan niya ito sa pagtakbo upang magpanggap na sya ang decoy. Hindi sya pinansin ng kalaban, kung kaya’t humarap si iiTzTimmy upang itumba ito.
2. Nagbunga rin ang pagiging Yoru main ni Red
Marahil ang pinaka-excited na player na sumubok ng bagong Yoru rework ay ang North American streamer na si Red. Matagal an syang Yoru main bago pa lumabas ang recent buff, at nakakakuha sya ng panalo gamit ang kanyang lumang kit. At ngayon ay nagbubunga na ang mga oras na ginugol niya sa Japanese duelist.
Dahil sa Yoru rework, nabigyan si Red ng mga bago at kakaibang paraan para baliwin ang mga kalaban. Sa Split, ginamit niya ang Dimensional Drift ultimate ni Yoru para kumuha ng impormasyon sa A main. Nang makita niyang si Reyna lang ang nagbabantay sa area, binuhos niya ang buong agent kit ni Yoru upang itumba ang kalaban.
1. Kaya dapat laging bantayan ang Yoru clone
Ipinakita ng Twitch streamer na si WorldofWill kung gaano kaimportante ang kaunting pasensya.Nagpanggap si WorldofWill na decoy upang makapunta sa likod ng mga kalaban, ngunit sa halip na bumaril agad, hinintay niya munang magkumpulan ang mga kalaban.
At noon niya nagdesisyon na rumatrat, at inubos niya ang limang kalaban sa A short ng Bind.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.