Dumating na ang inantabayanang Yoru rework sa Valorant patch 4.04, katuwang ng ilang hindi inaasahang bugs.

Nadiskubre ng mga players ang ilang game-breaking Yoru bugs na kinompromiso ang integridad ng competitive play kaya naman bilang solusyon, inalis muna ang agent mula sa competitive queue habang hindi pa ito nasosolusyonan.

Sa kabutihang-palad, naisaayos na ang ilang bugs naito at naibalik na rin si Yoru sa ranked. Hindi man masyadong nabibigyang-pansin ang Japanese duelist noon, hindi na ito totoo ngayon dahil pagdako ng Episode 4 Act II, swabe na ang galawan gamit ang karakter partikular na sa abilidad nitong mag-decoy.


Yoru bugs sa Valorant patch 4.04

Credit: Riot Games

1. Pagtatanim ng spike habang invulnerable sa Dimensional Drift ultimate

Ito siguro ang pinaka-broken sa mga Yoru bugs na dumaong matapos gumulong ang patch. Pinayagan nitong makapagtanim si Yoru ng spike sa loob ng kaniyang Dimensional Drift ultimate kung saan pareho siyang invulnerable at invisible. Ibig sabihin nito, hind na kakailanganin ng attackers na kontrolin ang site bago magtanim dahil hindi naman sila mapipigilan ng defenders mag-plant.

Makakabalik din agad si Yoru sa kaniyagn team ng matiwasay gamit ang Gatecrash tether.

Ginamit ni Hunter “SkicK” Mims ang Yoru bug na ito sa Bind para magtanim ng spike sa B, habang ang kabuuan ng kaniyang team ay kumuha ng post-plant positions. Pagkatapos bumatsi sa area, nakabalik siya sa panig ng kaniyang team para kuhanin ang round.

Kasama na ito sa mga Yoru bugs na naisaayos ng Riot Games kamakailan lang kaya hindi na opsyon ang inst-lock sa Yoru ngayon.


2. Hindi nagpapakita ang Fakeout clone sa minimap

Swabe ang bagong Fakeout ability ni Yoru kung saan lumalabas ang isang carbon copy ng agent kaya naman sabik ang mga fans paganahin ito in-game.

Mag-flaflash ang decoy sa direksyon ng sinumang aatakihin ito, kaya nakaalalay ang mga players sa decoys ni Yoru. Sa pamamagitan ng paggaya sa galaw ng decoy at pagtakbo ng diretso, magagawa ng player na lumikod sa enemy lines at ma-wipe out ang team.

Gayunpaman, kabilang sa mga listahan ng Yoru bugs ang nangyayari hinggil sa decoy.

Hindi kasi lumalabas sa mini map ang decoy kaya madaling makutuban na isa itong peke. Isang silip lamang ng kalaban sa mapa ay makukumpirma nila kung ang nasa harap nila ay ang totoong Yoru o isang peke. Isa rin ito sa mga Yoru bugs na binigyan agad ng fix ng Riot games kung kaya’t mas madali na ngayong maglaro ng mind games sa mga kalaban.


3. Yoru Fakeout decoy at Sova Recon Dart combo

https://youtu.be/TU2pemP-bGA

Nadiskubre ng Reddit user na si @thatguy11m na maaaring gawing kombinasyon anng Recon Dart ni Sova sa decoy ni Yoru para makagawa ng isang naglalakad na reconnaissance tool.

Kung susubukang barilin ng kalaban ang dart, ma-flaflash sila ng Yoru decoy. Kung hindi naman aatakihin,  madidiskubre kung nasaan ang lokasyon nila gawa ng epekto ng Recon Dart.

Sa huling tala, wala pang nailalabas na bug fix sa ngayon.

Maaaring basahin ang Valorant Patch 4.04 notes dito, kasama na ang malaking pagbabago sa Icebox, nerfs kina Astra at Viper gayundin ang buff kay Brimstone.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita sa Valorant.

BASAHIN: Hiko sa Viper nerfs: ‘She can’t be your only controller agent anymore’