Hindi na sikreto ang pagkahumaling ni Sentinels TenZ sa kung papaano maglaro ang kampeon ng VCT APAC na Paper Rex, pinapangunahan ng duo nilang sina f0rsakeN at Jinggg.

Patuloy ang pagpapakitang-gilas nina Benedict “Benkai” Tan sa Masters Reykjavik 2022 gamit ang pagiging agresibo para hindi agad makaporma ang mga kalaban sa simula ng round.

Hindi nila nirerespeto ang mga utility na meron ang kanilang kaharap, walang takot silang nagpu-push sa smoke para makapitas at mapwersa ang kanilang kalaban na sumunod sa kanilang dikta.

Pinangungunahan nina Jason “f0rsaken” Susanto at Wang “Jinggg” Jing Jie ang koponan. Madalas nilang mahanapan ng butas ang setup ng kalaban.

Bukod sa Ninjas in Pyjamas ng Brazil, Paper Rex lang ang tanging koponan ngayon sa Iceland na sumasalalay sa double duelist na composition. Sa isang watch party stream para sa Masters Reykjavik 2022, ibinihagi ni Tyson “TenZ” Ngo ang kanyang palagay kina f0rsakeN at Jinggg, at kung paano gumagana ang duo nila.

TenZ, hinimay ang combo nina f0rsakeN at Jinggg

Sentinels TenZ, ibinunyag ang palagay niya kina f0rsakeN at Jinggg ng Paper Rex
Credit: Riot Games

Sumasalalay ang Southeast Asian team na makapasok sina f0rsakeN at Jinggg, ang dalawa nilang duelist, sa mga bomb site.

“f0rsakeN is the guy who is always taking the first fight,” ani TenZ. May 0.22 first kills per round si f0rsakeN, ang pinakamarami sa Masters Reykjavik 2022. Ito ay paunay sa husay niya sa pagdating sa opening duels.

“With the f0rsakeN and Jinggg combo, you have f0rsakeN creating space and getting all the information for Jinggg. He also offsets people’s crosshairs, which allows Jinggg to run in and get the trades and multi-kills,” paliwanag niya.



Sa katotohanan, si Jinggg ang gumaganap sa role bilang star player sa Paper Rex ngayon, ayon kay TenZ. “He’s getting trade fraggs off his entry,” aniya, habang pinapatungkulan ang paraan kung paano gamitin ng Paper Rex ang Raze at Reyna main nila.

Epektibo ang f0rsaken at Jinggg combo ng Paper Rex na mapwersa ang kanilang kalaban na makipagpalitan. Dahil mas tutok ang karamihan ng mga koponan na mag-setup ng utilities para maayos ang entry ng kanilang dueslit, mas pinili ng Singaporean team na gamitin si f0rsakeN para makaselyo ng kills si Jinggg.

Patunay na ang mga numerong naitala nila. Kontra DRX at The Guard, top fragger si Jinggg para sa kanyang koponan, pero 14 lang ang nakuha niyang first bloods, kumpara sa 24 ni f0rsakeN.



“You don’t always see f0rsakeN pop off. He will do really good but scoreboard-wise you won’t see him at the top all the time. That’s just how the role works out,” dagdag ni TenZ.


Bagamat nakabawi ang DRX sa unang round ng upper bracket sa playoffs, buhay pa ang kampanya nina f0rsakeN at Jinggg.

Nakatakdang kalabanin ng Paper Rex at ZETA sa ikatlong round ng lower bracket sa ika-23 ng Abril, sa ganap na ika-apat ng umaga.

Makikita ang kumpletong schedule ng Masters Reykjavik 2022 dito. Mapapanood ang bakbakan sa opisyal na Twitch at YouTube channels ng Valorant.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa Valorant at VCT, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Ganito i-calculate ang ranked MMR sa Valorant ayon sa senior dev ng Riot