Nagpakilala na ang Paper Rex bilang nangungunang team sa APAC Valorant, matapos nilang lampasan nang walang talo ang VCT APAC Stage 1 Challengers. Sa pammuno ng CS:GO veteran na si Benedict “Benkai” Tan, walang pinatawad na kahit isang series ang PRX sa kabuuan ng tournament.

Napagtagumpayan ng Singapore-based organization ang isang pangil sa pangil na laban kontra XERXIA Esports, na binubuo ng dating X10 Crit roster na lumaban sa Valorant Champions noong nakaraang taon.

Ang team ay naglaro sa 29 maps sa kabuuan ng Stage 1 Challengers, kung saan 3 lamang dito ang hindi nila nakuha.

Ang PRX ang kakatawan sa APAC region sa Stage 1 Masters Reykjavik sa April, kasama ang runner-up na XERXIA Esports.

Paper Rex nanalo ng 12 straight matches sa VCT APAC Stage 1 Challengers

Valorant Masters Berlin 2021 PRX
Credit: Riot Games

Ang Masters Reykjavik ang iaklawang international Valorant LAN event para sa core ng Paper Rex roster. Ang team ay nakapasok sa Stage 3 Masters Berlin noong nakaraang September kasama si Toh “shiba” Zhang Teng, bago siya pinalitan gn flex player na si Wang “Jinggg” Jing Jie sa parehong buwan.

Sa pangunguna ng Indonesian Jett superstar na si Jason “f0rsakeN” Susanto, tinalo ng PRX ang mga teams tulad ng South Built Esports, Persijia Esports, at ang bagong buong Swedish-Singaporean mix na Bleed Esports. Sa grand finals laban sa XERXIA, pinangunahan ni f0rsakeN ang server na may 99 kills sa limang maps at 23 first bloods.

Ipinakita rin ng 18-anyos ang kanyang kakayahang gumamit ng mga hindi karaniwang picks tulad nina Neon at Yoru. Inilabas niya ang kanyang Neon sa grand finals laban sa XERXIA sa Fracture, gamit ang High Gear sprint at slide ay nagbigay siya ng pressure sa iba’t-ibang areas ng map para makahanap ng mapipitas.

Hindi maitatanggi na matagal na pinaghirapan ang tagumpay na natanggap ng Paper Rex, na pumasok sa Valorant noong July 2020 na may iba pang roster noon.

Ang core ng kasalukuyang roster ay nakasali lamang noong February 2021, nang magdesisyon ang kanilang CS:GO team na lumipat sa Valorant. Ang ikalaimang miyembro ng team ay maraming beses na nagpapalit-palit nitong nakaraang taon, bago tuluyang magdesisyon ang Paper Rex na kunin ang dating Team SMG duelist na si Jinggg.

Ang VCT Stage 1 Master Reykjavik ay magsisimula sa April 10 tampok ang 12 sa mga pinakamagagaling na Valorant teams mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.