Nang hindi makakuha ang XSET ng pwesto sa Americas league para sa VCT 2023 season, magkakaroon pa rin sana ang roster nito ng bagong tahanan kung saan magkakasama pa rin sila.

Sa kasamaang-palad, hindi nagbunga ang bagong tahanan na ito. Pinatanggal ang partnership spot ng G2 Esports mula sa Americas league sa last minute, matapos mag-post ng kanilang CEO na si Carlos “ocelote” Rodriguez ng video kung saan kasama niya sa isang party ang persona non grata na si Andrew Tate,

Dagdag pa sa video na ito ay nagbitaw din siya ng pahayag kung saan sinabi niyang walang may karapatang pulisin ang kanyang pakikipagkaibigan.

Si Tate ay may history ng mga matitinding komentong may bahid ng misogyny, at dahil dito ay banned siya mula sa lahat nang major social media platforms.

Nang lumutang ang video ni ocelote habang nagaganap ang Valorant Champions 2022, nagtipon-tipon ang mga Riot executives sa Istanbul upang pag-usapan ang sitwasyon. Nang ianunsyo ang mga partnered teams ilang araw ang lumipas, wala sa listahan ang G2.


G2 Esports kukunin sana ang Valorant roster ng XSET

XSET Champions 2022 XSET G2 Andrew Tate issue
Zekken_Champions2022

Bago maganap ang kapalpakang kinasangkutan ni Tate, halos sigurado na ang pag-apruba sa application ng G2 sa kanilang partnership ayon sa The Washington post.

Maraming organisasyon ang nagbabalak na kunin ang XSET, ang top North American team kasunod ng OpTic Gaming. Sa Champions 2022, nakuha ng XSET ang 5th to 6th place, isang matibay na run kung saan tinalo nila ang Fnatic at ang Master Copenhagen champions na FunPlus Phoenix.

Nakaayos na ang lahat kapag natanggap ang G2 sa liga, kung kaya’t mas mahirap lunukin ang mga pagbabagonmg naganap lalo na para sa mga players.

“Having to explain to my mom how Andrew Tate cost me a job is not where I thought I’d be a month ago,” ayon sa tweet ni Zachary “zekken” Patrone.

Hinahayaan na ngayon ang mga XSET players na maghanap ng ibang options. Bagama’t umaasa pa rin ang mga players na makuha sila bilang isang buong team, malamang ay magkahiwa-hiwalay sila papunta sa iba’t ibang mga teams, dahil meron lang limang North American organizations sa liga.

Nanghingi na ng paumanhin si ocelote at kasalukuyang nasa walong linggong unpaid leave, ngunit mukhang hindi ito naging sapat para isalba ang prangkisa ng G2.

Ang mga EMEA players ng G2, kabilang si Oscar “mixwell” Cañellas, ay mga kasalukuyan na ring mga restricted free agents habang naghahanap ng mga bagong oportunidad sa pagpasok ng 2023.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.