Sa isang inaabangang update para sa mga fans ng iconic Hunter x Hunter manga, nagmumukhang tatapusin na ng creator na si Yoshihiro Togashi ang isang taong hiatus ng serye.

Noong Oktubre 1, ibinahagi ng sikat na mangaka sa kaniyang 2.9 million followers sa X (dating Twitter), na nagbalik trabaho na siya.

Pinakita sa post ang isang manga panel mula sa work desk ni Togashi na may nakakaintrigang caption na “Start over.”


Yoshihiro Togashi, tinukso ang pagbabalik ng Hunter x Hunter manga

Anime Hunter x Hunter
Credit: Yoshihiro Togashi

Ang kasalukuyang arc ng manga, ang Succession Contest, ay halos sampung taong gulang na. Habang mayroon itong 52 chapters, pinahaba nang sobra-sobra ang arc dahil sa paulit-ulit na hiatus mula sa chronic back condition ni Togashi. Kaya naman inaabangan talaga ito ng mga fans ng manga.

Nagkaroon pa ng four-year hiatus ang Succession Contest sa chapters 390 at 391, at inilabas ang 391 noong Oktubre 24, 2022.

Ngayong taon, nilipat ang serye sa archived serialization section ng opisyal na website ng Shonen Jump, kaya naman masagana ang mga tsismis. Ang bagong update ni Togashi ay nagbalik sa pag-asa at excitement ng mga tapat na fans ng Hunter x Hunter.

Ang Succession Contest ang ika-walong story arc sa Hunter x Hunter manga, at nagsimula ito noong 2014. Nakasentro ang arc sa deadly battle ng 14 princes ng Kakin Empire habang tinatahak ng Black Whale ang Dark Continent.



Anime Hunter x Hunter Kurapika Funko Pop
Credit: Funko

KUNIN ITO: Anime: Hunter x Hunter Kurapika Funko Pop! Figure

Si Kurapika, ang kinuhang bodyguard ng pang-anim na Queen na si Oito Hui Guo Rou, ay magiging importanteng faktor sa paglalaban na ito habang kinukuha niya ang huling owner ng mga mata ng kaniyang clan na si Prince Tserriednich.

Wala pang opisyal na anunsyo mula sa Shonen Jump tungkol sa kinabukasan ng Hunter x Hunter manga.

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa paborito mong anime.

BASAHIN: Bleach Thousand Year Blood War Season 3 kumpirmado na