Magdiwang, mga anime romance fans, dahil magbabalik na ang Kimi ni Todoke.
Tinukso na ng Netflix ang season 3 release date ng minamahal na anime na ito.
Noong Abril 4, naglabas ang streaming platform ng isang teaser trailer na kinumpirma ang season 3 ng Kimi ni Todoke season 3 para sa anime lineup nila ngayong summer.
Ano ang Kimi ni Todoke?

Ang Kimi ni Todoke: From Me to You ay isang sikat na Japanese manga series na sinulat at inilathala ni Karuho Shiina, at na-seralize ng Shueisha mula 2005 hanggang 2017. Mayroon din itong 30 tankobon volumes.
Noong 2008, nasungkit nito ang pristihiyosong Best Shojo Manga award sa 32nd Annual Kodansha Manga Award, at naging isang nominee para sa inaugural Manga Taisho Awards.
Binigyan ng buhay ng Production I.G ang dalawang seasons ang anime adaptation. Ang Season 1, na mayroong 25 episodes, ay umere noong Oktubre 7, 2009 hanggang Marso 31, 2010. Sumunod ang Season 2 na may 12 episodes mula Enero 12, 2011 hanggang Marso 30, 2011.
- Demon Slayer season 4 release date inanunsyo na, kasama ang bagong trailer at opening song
- Tomb Raider anime: Kwento, characters, voice actors, trailer
Si Sawako Kuronuma, ang bida ng anime, ay isang mabait at mahiyaing babae, na inaakalang si Sadako mula sa horror movie na The Ring. May gusto siya kay Kazehaya, ang sikat at palakaibigan na lalaki sa kaniyang klase, at nais maging mas katulad niya ito.
Dahil sa paghikayat ni Kazehaya sa kaniya, mas lumahok si Sawako sa mga aktibidad ng kaniyang klase, kung saan magkakaroon siya ng mga kaibigan at magbabago ang kaniyang pananaw sa mundo. Ang ‘di niya alam, ang kaniyang presensya ay nagkakaroon din ng epekto kay Kazehaya.
Kimi ni Todoke season 3 cast
Sa kabila ng isang 13-year hiatus, nagbabalik ang main cast para sa season 3 ng serye.
| CHARACTER | SEIYUU |
| Sawako Kuronuma | Mamiko Noto |
| Shouta Kazehaya | Daisuke Namikawa |
| Ryuu Sanada | Yuuichi Nakamura |
| Chizuru Yoshida | Yuuko Sanpei |
| Ayane Yano | Miyuki Sawashiro |
| Ume Kurumizawa | Aya Hirano |
| Kazuichi Arai | Yuuki Ono |
| Kento Muira | Mamoru Miyano |
Kimi ni Todoke season 3 release date
Eere ang anime sa Agosto 2024, ngunit hindi pa in-aanunsyo ang eksaktong araw.
Kimi ni Todoke season 3 trailer
Saan mapapanood ang Kimi ni Todoke season 3
Magiging available panoorin ang anime sa Netflix.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa paborito mong anime.
BASAHIN: Rising Impact anime: Release date, characters, seiyuu, at saan pwede panoorin