Maghanda na para pasukin ang mundo ng professional golf sa panibagong Rising Impact anime ng Netflix!

Mula sa bumuo ng The Seven Deadly Sins, pinapakita ng debut mangga ni Nakaba Suzuki ang isang panibaong pananaw sa sport na ‘to. 

Parehas matututunan ng mga beterano at mga baguhan sa sports anime genre na ‘to na ang golf ay higit pa sa simpleng pagtama ng isang bola. 

Ano ang kwento ng Rising Impact anime? 

Rising Impact anime
Credit: Netflix, Lay-duce

Sinusundan ng anime si Gawain Nanaumi, isang lalaking mahilig sa baseball mula sa bukid na may natural na talento para sa batting. Matutuklasan niya ang golf at ang kaniyang kakaibang lakas dito. 

Mapapansin ng pro golfer na si Kiria Nishino ang kaniyang potensyal at tutulungan siyang mag-enroll sa Camelot Academy, isang prestihiyosong golf school. Doon, masusubok ang kaniyang abilidad laban sa ibang mga mahuhusay na golfers. 

Rising Impact anime release date 

Rising Impact anime
Credit: Netflix, Lay-duce

Lalabas ang unang season ng anime sa Hunyo 22, 2024

Ang season two naman ay eere sa Agosto 6, 2024

Rising Impact characters and seiyuu 

Rising Impact anime Kiria Nishino
Credit: Netflix, Lay-duce


CHARACTER SEIYUU 
Gawain Nanaumi Misaki Kuno 
Lancelot Normal Yumiri Hanamori 
Kiria Nishino You Taichi 
Kurumi Nishino Atsumi Tanezaki 
Kai Todoin Katsuyuki Konishi 
Riser Hopkins Shunsuke Takeuchi 
Liebel Ringvald Yuto Uemura 
Yumiko Koizumi Kaede Hondo 
Platalissa Bonaire Yumi Uchiyama 
Wanglian Li Eiji Takemoto 

Saan mapapanood ang Rising Impact? 

Eksklusibong eere ang anime sa Netflix. 

Rising Impact trailer



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa mga paborito mong anime.

BASAHIN: Lahat ng Solo Leveling episodes at saan ito pwede panoorin