Maghihintay ang mga manga fans bago ang One Piece 1112, dahil magpapahinga muna nang panandalian ang comic series.

Si Eiichiro Oda, ang creator ng serye, ay nag-anunsyo ng isang short hiatus matapos ang paglabas ng One Piece 1111.

Lalabas ang One Piece 1111 sa Marso 25, 2024. 

Sa loob ng pahinga na ito, na tatagal mula Marso 26 hanggang Abril 21, 2024, walang panibagong chapters ng One Piece ang ilalabas. 

One Piece 1112 release date: Bakit na-delay ang One Piece 1112?

Anime One Piece Manga Chapter 1112
Credit: Eiichiro Oda/Shueisha


Maaring markahan ng mga fans ang kanilang mga kalendaryo para sa Abril 22, 2024, kapag lalabas na ang One Piece 1112. 

Pagkatapos niyan, ang Weekly Shonen Jump, ang magazine na naglalabas ng One Piece, ay magpapahinga sa Golden Week mula Abril 29 hanggang Mayo 5, 2024. 

Ang Golden Week sa Japan ay isang importanteng holiday period na pinaghahalo ang iba’t-ibang national holidays. Ang week-long na break na ito ang isa sa pinaka-busy na travel seasons ng bansa. 

Matapos ang Golden Week, ilalabas ang One Piece 1113 sa Mayo 6, 2024, at magpapatuloy ang serye sa kaniyang regular na release schedule. 

ONE PIECE MANGA CHAPTER RELEASE DATE 
One Piece 1111 Marso 25, 2024 
One Piece 1112 Abril 22, 2024 
One Piece 1113 Mayo 6, 2024 

Ang One Piece manga ay nasa Final Saga, na tinutuklasan ang Egghead Arc mula sa chapter 1058 hanggang chapter 1110. 

Warning: Major spoilers kung hindi mo pa nababasa ang Final Saga volumes ng One Piece.

Ang Final Saga ang 11th saga sa parehas na One Piece manga at anime. 

Naguumpisa ito matapos ang Levely, Raid sa Onigashima, at ang pagbagsak ng Lulusia Kingdom. Pumunta ang Straw Hat Pirates sa Egghead, isang futuristic at misteryosong isla sa New World na kontrolado ng World Government. 

Dito, makikilala nila si Dr. Vegapunk at ang kaniyang laboratory. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa One Piece. 

BASAHIN: Handa nang pasayahin ng Uta cosplayer na ‘to ang mga One Piece fans