May bounty si Monkey d. Luffy na bilyones na Berry sa One Piece.

Ngunit magkano nga ba ang isang Berry? Tignan natin ang halaga ng isang Berry at ang kaniyang katumbas sa totoong pera.



Ano ang isang Berry sa One Piece?

Iba't-ibang denominasyon ng Berry sa One Piece
Credit: Richard Bridgland/Netflix

Sa One Piece anime at mangga, ang Berry (o Belly) ay ang pera na ginagamit sa kanilang mundo. Ito ay isang klase ng pera na ginawa mula sa gold, at ginagamit ito sa mga isla ng Grand Line at iba pang parte ng One Piece world. Ang halaga ng One Piece Berry ay dumedepende sa lokasyon at sitwasyon ng ekonomiya ng bawat isla.  

Berry coin denominations 

  • 10 
  • 50 
  • 100 
  • 500 

Berry paper denominations 

  • 1,000 
  • 5,000 
  • 10,000 

Magkano ang Berry sa One Piece pagdating sa totoong buhay?

Anime One Piece
Credit: Toei Animation, ONE Esports

Ang Berry, pagdating sa denomination at itsura, ay isang parody ng modern Japanese yen. Importanteng sabihin na wala itong direktang conversion rate sa pagitan ng Berry currency at real-world na pera.  

Ito ang mga item at presyo na lumabas sa serye: 

  • Isang kopya ng dyaro – 100 Berry
  • Isang repolyo – 150 Berry
  • Isang full-course meal sa Baratie para sa isang tao – 13,000 Berry
  • Devil Fruits – 100,000,000 Berry

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang mga kwento tungkol sa One Piece at iba pang anime.

BASAHIN: Sino ang may pinakamalaking bounty sa One Piece universe?