Hinatid ng bagong update ang buffs at nerfs sa Call of Duty Modern Warfare 2, kaya oras na para gamitin ang best of the best na mga baril.
Kung interesado ka sa M16, nandito ang Call of Duty expert na si Hero. Naglabas siya ng isang YouTube video kung saan ibinahagi niya ang best M16 loadout.
- Best 9mm Daemon loadout sa Warzone 2 – full build setup para manalo
- Best attachments para sa recoil control sa Modern Warfare 2
Best M16 loadout para wasakin ang kalaban sa Modern Warfare 2

Una niya itong nilagyan ng XTEN Ported 290 sa muzzle slot, para sa kaniyang vertical control benefits.
Para naman sa laser slot, nilagyan ni Hero ito ng FSS OLE-V laser. Napili ito dahil sa kaniyang aim-down-sight at sprint-to-fire speed, kasabay ng kaniyang aiming stability.
Para naman sa kaniyang mga paboritong attachment, dinagdagan ni Hero ang Edge-47 grip sa underbarrel slot para sa mas mainam na recoil stabilization at aiming idle stability.
Ginamitan niya ito ng 5.56 High-Velocity rounds dahil sa mas mataas na bullet velocity para makatulong sa long-range kills.
Dinagdagan niya rin ito ng Slimeline Pro optic, dahil mas gusto niya ito kumpara sa iron sight ng M16.
| SLOT | ATTACHMENT | TUNING (VERTICAL, HORIZONTAL) |
| Muzzle | XTEN Ported 290 | +0.31, +0.18 |
| Laser | FSS OLE-V Laser | -0.29, -23.03 |
| Underbarrel | Edge-47 Grip | +0.36, +0.22 |
| Ammo | 5.56 High Velocity | +0.34, +5.81 |
| Optic | N/A |
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty.