Nandito na ang Call of Duty Modern Warfare 2 Season 5, at ibig sabihin niyan ay nandito na rin ang mga panibagong rewards.

Sa article na ito, pag-uusapan natin ang mga Season 5 ranked rewards na maari mong makuha sa latest update ng Modern Warfare 2, mula sa pag-dagdag ng notch sa win column hanggang sa pagkamit ng high ranks.



Maraming Season 5 ranked rewards ang pwede mong makuha 

CoD Modern Warfare 2 Season 5 Havoc
Credit: Activision Blizzard

Maaring makakuha ng rewards ang mga players sa kahit ano mang rank sa pamamagitan ng pagpanalo sa season. Makukuha nila ang unang reward pagkatapos magkaroon ng limang wins para umangat sa maximum prize mula sa 100 wins.

Modern Warfare 2 Season 5 rewards para sa mga wins: 

  • Five wins: “Season Five Competitor” weapon sticker 
  • 10 wins: Pro Re-Issue TAQ-56 weapon blueprint 
  • 25 wins: “Big Brain Plays” weapon charm 
  • 50 wins: “Heating Up” Large weapon decal 
  • 75 wins: “MWII Ranked Play Season 05” loading screen 
  • 100 wins: “MWII Season Five Ranked Veteran” weapon camo 
CoD Modern Warfare 2 Season 5 ranked rewards weapon skins
Credit: Activision Blizzard

Ang pag-angat sa ranks ay isa pang paraan para makakuha ng mga unique rewards. Mula sa Bronze, kung saan makakakuha ka ng emblem, pwedeng mag-power through sa ranks sa pamamagitan ng pagkuha ng Skill Rating mula sa kanilang mga performance patungo sa top 250 milestones. 

Para sa mga nakatapos ng season na nasa top 250 spot, magkakaroon ka ng animated weapon camo, emblem, at calling card. Basahin ang buong listahan ng divisional rewards dito.  

Modern Warfare 2 Season 5 ranked play seasonal division rewards: 

  • Top 250: “Season Five Top 250” animated weapon camo, emblem, at calling card 
  • Kailangang tapusin ng players ang season sa loob ng top 250 Division para makapag-qualify sa mga rewards 
  • Iridescent: “Season 05 Iridescent” weapon camo, emblem, at calling card 
  • Crimson: “Season 05 Crimson” weapon camo at emblem 
  • Diamond: “Season 05 Diamond” weapon camo at emblem 
  • Platinum: “Season 05 Platinum” weapon camo at emblem 
  • Gold: “Season 05 Gold” weapon camo at emblem 
  • Silver: Emblem 
  • Bronze: Emblem 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.

BASAHIN: Modern Warfare 2 Season 5 BlackCell Battle Pass presyo, rewards, at iba pa