Dumating na ang Call of Duty Modern Warfare 2 Season 5, at kasama nito ang mga panibagong baril, tulad ng inaabangan na M13C assault rifle. Ito ay follow-up ng M13B.

Dahil inaasahang magiging final season na ang Season 5 bago ang launch ng Modern Warfare 3, umaasa ang mga fans na magiging matindi ang pagtatapos nito.

Sa article na ito ay tuturuan namin kayo kung paano makuha ang bagong baril pagdating ng bagong season sa August 2.



Hindi kasama ang M13C sa launch ng Season 5 Modern Warfare 2 

COD Modern Warfare M13C
Credit: Activision Blizzard

Pagdating sa Season 5, pwedeng asahan ng fans ang panibagong content, tulad ng bagong modes, mapa, events, DMZ updates, at isang updated na battle pass, at mga bagong operator skins nina Snoop Dogg, Nicki Minaj, at 21 Savage.

Ngunit ang mga gustong sumubok sa M13C ay walang pagpipilian kundi maghintay para sa Season 5 Reloaded. Ang weapon ay minarkang “In-Season” sa anunsiyo.

Inilarawan ng opisyal na anunsiyo para sa Season 5 ang bagong sniper bilang: “The .300 BLK counterpart to the M13B, this full-auto Assault Rifle is versatile and hard-hitting as a main weapon or sniper support secondary.

Ibig sabihin ay maaring maganda itong ipares sa bagong Carrack .300 sniper na lalabas sa launch ng Season 5.

Gayunpaman, wala pa ring opisyal na detalye kung paano mo maa-unlock ang bagong AR pagdating nito. Kung basehan lamang ang M13B, maaring may mga DMZ challenge na kasama ito para makuha ang weapon blueprint.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita at updates patungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Paano ma-unlock ang bagong FR Avancer sa Modern Warfare 2 at Warzone 2