Papalapit na ang labas ng Call of Duty Modern Warfare 2 Season 5, at kasabay nito ay mga panibagong weapons, tulad ng Carrack .300 sniper rifle. 

Dahil huling season na ang Season 5 bago ang labas ng Modern Warfare 3, umaasa ang mga fans na bongga ang pagtatapos nito.  

Sa article na ito, tuturuan namin kayo kung paano makuha ang bagong weapon na ito pagdating ng season sa August 2.  



Pinakamadaling paraan para makuha ang Carrack .300 sniper sa Modern Warfare 2 

COD Carrack .300
Credit: Activision Blizzard

Maliban sa mga bagong weapons, maaasahan din ng mga fans ang mga panibagong content tulad ng bagong modes, mapa, events, DMZ updates, at isang updated battle pass at mga bagong operator skins nina Snoop Dogg, Nicki Minaj, at 21 Savage.  

Inilarawan ng opisyal na anunsyo para sa Season 5 ang bagong sniper bilang “This semi-auto bullpup sniper rifle features an exceptionally high fire rate and a unique design for best-in-class handling and stability when on the move.“ 

Magiging available ang baril via sa battle pass ng laro para sa Season 5. Asahan ng mga fans na kailangan mong makamit ang partikular na sektor ng battle pass at I-unlock ito sa pamamagitan ng pag-kumpleto ng mga iba’t-ibang challenges.  

Kailangan ng players na maabot ang Sector E7 sa Battle Pass para ma-unlock ang bagong sniper rifle na ito.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para mantiling updated tungkol sa CoD.  

BASAHIN: Best attachments para sa recoil control sa Modern Warfare 2