Papalapit na ang labas ng Call of Duty Modern Warfare 2 Season 5, at kasabay nito ay mga panibagong weapons, tulad ng FR Avancer assault rifle.

Dahil huling season na ang Season 5 bago ang labas ng Modern Warfare 3, umaasa ang mga fans na bongga ang pagtatapos nito.

Sa article na ito, tuturuan namin kayo kung paano makuha ang bagong weapon na ito pagdating ng season sa August 2.



Paano makuha ang FR Avancer nang mabilisan 

COD FR Avancer
Credit: Activision Blizzard

Maliban sa mga bagong weapons, maaasahan din ng mga fans ang mga panibagong content tulad ng bagong modes, mapa, events, DMZ updates, at isang updated battle pass at mga bagong operator skins nina Snoop Dogg, Nicki Minaj, at 21 Savage. 

Inilarawan ng opisyal na anunsyo para sa Season 5 ang bagong AR bilang “With a blinding fire rate and exceptional maneuverability, in the right hands, this aggressive bullpup rifle can dominate the battlefield.

Magiging available ang baril via sa battle pass ng laro para sa Season 5. Asahan ng mga fans na kailangan mong makamit ang partikular na sektor ng battle pass at I-unlock ito sa pamamagitan ng pag-kumpleto ng mga iba’t-ibang challenges.

Kailangan ng mga manlalaro na maabot ang Sector E8 ng Battle Pass para makuha ang bagong assault rifle na ito.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para mantiling updated tungkol sa CoD. 

BASAHIN: Paano ma-unlock ang bagong Carrack .300 sniper sa Modern Warfare 2 at Warzone 2