Patuloy na nagbabago ang Call of Duty Modern Warfare 3 multiplayer playlist sa pagdating ng panibagong Hordepoint gameplay mode. 

Nag-debut ang mode na ito noong 2017 bilang parte ng Call of Duty: WWII release at pinaghahalo nito ang mga elemento ng Hardpoint at zombie mode. 

COD All Ghillied Up Funko Pop
Credit: Funko
VIEW PRICE: All Ghillied Up Funko Pop! Figure

Dahil isa ito sa mga notableng pagdagdag sa Season 2 update, maraming players ang nagtataka kung paano gumagana ang Hordepoint mode sa Modern Warfare 3. 

Paano laruin ang Hordepoint mode sa Modern Warfare 3 

COD MW3 Hordepoint Mode
Credit: Activision

Ang MW3 Hordepoint ay isang anyo ng sikat na Hardpoint mode kung saan ang layunin ay makuha ang Hardpoint boundaries habang nakikipag-bakbakan, at pagdating dito, ang mga kalaban ay mga zombies. 

Habang kinakalaban ng team mo ang mga players at zombies, kailangan may isang myembro na nakatayo sa Hardpoint para makuha ito.

COD Amazon 5000 points
Credit: ONE Esports
MAKE SOMEONE'S DAY: Call of Duty 5,000 Points – Xbox

Ang pagpatay ng mga Zombies sa Hordepoint Mode ay hindi lamang isang paraan para mabuhay kundi isa rin itong paraan para makatanggap ng mga benefits. 

Bawat zombie kill mo ay may pagkakataon magkaroon ng isang Pack-a-Punched weapon, isang upgraded na bersyon ng isang regular na weapon na may mas malakas na damage, accuracy, at iba pa. Ang mga Pack-a-Punched weapons ay nagbibigay sa iyo ng advantage sa mga kalaban mo, ngunit limitado lamang ang bala nito, kaya dapat maging matalino ka sa paggamit nito. 

Dagdag pa riyan, ang ibang mga zombies ay maari ring mag-drop ng dalawang power-ups – ang Max Ammo at Instakill, na nag-rerefill ng iyong Ammo Supply at binibigyan ka ng kakayahang makapag-one shot ng kalaban. 

Maari ka ring makatanggap ng Killstreaks sa pagubos ng zombies; bawat limang Zombie kills ay may halagang isang Operator kill point. 

Ayon sa opisyal na Call of Duty blog, asahan ng mga MW3 players ang launch ng Horde Hunt Event kasabay ang limited-time na mode na ito.  

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa COD.  

BASAHIN: Paano i-unlock ang SOA Subverter sa MW3 at Warzone