Ang pagdating ng Call of Duty Modern Warfare 3 at Warzone Season 2 update ay nagmarka ng pagdagdag ng panibagong battle rifle na SOA Subverter.

Ang malupit na rifle na ito ay naka-chamber sa 7.62 at nangingibabaw sa mid hanggang long range dahil sa kaniyang mababang rate of fire at maasahang recoil. 

Ngunit ‘di tulad ng ibang baril, tulad ng RAM-9 at BP50, hindi mo ma-uunlock ang SOA Subverter via Season 2 battle pass. Sa halip, ang poseso ng pag-unlock nito sa Modern Warfare 3 at Warzone ay kakaiba.



Paano makuha ang SOA Subverter sa Warzone at Modern Warfare 3 

COD Warzone MW3 SOA Subverter
Credit: Activision

Ang tanging paraan para ma-unlock ang SOA Subverter sa Warzone at Modern Warfare 3 ay sa pamamagitan ng pag-kumpleto ng mga Weekly Challenges.

Pumunta sa Challenges tab para makita ang listahan ng mga gagawin na kailangan mong kumpletuhin para makuha ang SOA Subverter. Ang weekly quests na ito ay kadalasang kailangan mong makakuha ng tiyak na kills gamit ang isang baril, pagbukas ng chests, o pag-kumpleto ng mga kontrata.  

Pagdating naman sa mga katangian ng baril na ‘to, ang SOA Subverter ay may mahusay na accuracy, mababang recoil, at malupet na sprint-to-fire movement speed, kaya mainam ito sa mga mid hanggang long-range na bakbakan. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa COD. 

BASAHIN: Paano makuha ang VR-11 sa Modern Warfare 3 Zombies