Opisyal nang ibinunyag ng Activision ang Call of Duty Modern Warfare 3 mastery camos at lahat ng mga extra na maari mong ma-unlock.

Naging usapan na ang Modern Warfare 3 mastery camos dahil mukhang mas in-depth na ang sistema nito, at marami pang mga camos na pwedeng makuha para sa mga baril.



Marami pang Modern Warfare 3 mastery camos na makokolekta 

CoD Modern Warfare 3 mastery camos
Credit: Activision

Sa pag-carry over ng mga weapons ng Modern Warfare 3 sa Modern Warfare 3, napakaraming choices ang mga players pagdating sa mga baril na gusto nila, at kasabay nito, ang mga skins na maari nilang ilagay dito.  

Ilan nga ba ang dinagdag nila na Modern Warfare 3 mastery camos? Ito ang nakasaad sa opisyal na blog post:  

“Expect the following additional Camos, which include Camo challenges for all 114 weapons across MWII and MWIII

  • Mahigit 400 bagong base Camos  
  • Walong bagong Mastery (Completionist) Camos (apat para sa MWII weapons, apat para sa MWIII weapons) 
  • Mahigit 400 bagongg Mastery Calling Cards at Emblems 
  • Mahigit 100 bagong Mastery Charms 

Maari ring makuha ng mga players ang 12 iba’t-ibang MW3 mastery camos mula sa MW3 at MW3 multiplayer guns, maliban pa sa Zombies camos para sa MW3 at MW2 weapons, at marami pang iba.  

Para sa MW3 mastery camos, magkakaroon ng access ang mga players sa Gold, Forged, Priceless, at Instellar.  

Para naman sa MW2 weapons, ito ay Gold, Platinum, Polyatomic, at Orion.  

Para sa Zombies/MW3 weapons, magkakaroon ng Golden Enigma, Zircon Scale, Serpentite, at Borealis.  

Para sa Zombies/MW2 weapons, mayroong Golden Ivory, Spinel Husk, Arcachnida, at Bioluminescent. 

CoD Modern Warfare 3 mastery camos
Credit: Activision

Paano makuha ang MW3 completionist camos 

How to earn MW3 completionist camos 

Gilded  

  • Kumpletuhin ang lahat ng Base Camo Challenges para sa weapon. 
  • Kumpletuhin ang indibidwal Gilded Challenge para sa bawat baril (halimbawa, “Get 3 Operator Kills with 1 Magazine 10 times,” ( MCW AR).  

Forged  

  • Kumpletuhin ang Gilded Camo Challenge para sa weapon. 
  • Kumpletuhin ang additional Gilded Camo challenge para sa mga baril sa parehas na kategorya.  
  • Kumpletuhin ang indibidwal na Forged Challenge para sa bawat baril (halimbawa, “Get 3 Kills without dying 10 times,” (MCW AR).  

Priceless  

  • Kumpletuhin ang Forged Camo challenge para sa weapon. 
  • Kumpletuhin ang total na 37 Forged Camo challenges para sa MWII weapons. 
  • Kumpletuhin ang indibidwal Forged Challenge para sa bawat baril (halimbawa, “Get 5 Kills without dying 10 times” (MCW AR).  

Interstellar (MW3 weapons lamang) 

  • Kumpletuhin ang total na 37 Priceless Camo challenges para sa MWIII weapons.  

Makikita na napakaraming rason para ma-excite pagdating sa MW3 mastery camos, pati na rin ang direksyon ng pinatutunguhan ng laro.  

Maaring asahan ng mga fans ang mas marami pang parating na skins sa paglabas ng season.  

Kung gusto mong makita kung ano ang itsura ng bawat MW3 mastery camos sa launch, tignan ang opisyal na blog post ng Activision dito

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Modern Warfare 3 global launch schedule at oras sa bawat rehiyon