Nandito na ang Call of Duty Modern Warfare 3 beta, ngunit hindi lahat ng mga armas ay agad na available, at ang iba ay kailangang pang i-unlock bago magamit.

Isa sa mga ito ay ang COR 45, isang napakalakas na baril na gusto ng maraming players na magkaron sa kanilang arsenal. Sa artikulong ito, ibabahagi namin kung paano i-unlock ang baril na ito sa MW3.



Paraan kung paano i-unlock ang COR 45 sa MW3

New COR 45 pistol in MW3
Credit: Matterz YouTube

Ang COR 45 ay epektibo sa close range combat, at sa tamang mga attachment, ang armas na ito ay maaaring maging katulad ng SMG sa paraan ng pagpapaputok nito.

Kahit na naabot na ang level 20, ang pinakamataas na antas sa MW3 beta, may mga players pa rin na makikitang na naka-lock ang pistol sa kanilang arsenal. Ito ay isang desisyon ng Sledgehammer Games, ngunit hindi ito nangangahulugang hindi mo ito magagamit.

Maari mong i-unlock ang bagong malakas na baril basta nakaabot ka ng level 20. Kapag naabot mo ang level na ito, makakakuha ka ng Gunner Vest, na kailangan mong i-equip.

Dito medyo kakaiba ang proseso. Kapag ito ay in-equip mo, babalik ka sa Engineer Vest. Pagkatapos ng pagbabalik mula sa Gunner patungo sa Engineer, makikita mo na ang COR 45 ay naka-equip na bilang iyong secondary.

Sasabihin nito na naka-lock pa rin ang baril, pero ayos lang yan.

Kung sa puntong ito ay hindi mo pa rin nauunawaan, narito ang isang video mula kay Matterz sa YouTube upang magbigay sa iyo ng visual na paliwanag at ilang mga eksena upang makita mo ang malakas na baril ng MW3 sa aksyon.



Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: OpTic scump ibinahagi ang best Striker class sa Modern Warfare 3