Opisyal nang ibinunyag sa publiko ang Call of Duty Modern Warfare 3 multiplayer sa bagong trailer nila.
Habang hindi pa natin alam kung paano lalaruin ito, nagbigay ang Modern Warfare 3 multiplayer trailer ng isang first look sa isang in-depth gameplay.
Modern Warfare 3 multiplayer trailer, nagbigay pag-asa sa mga fans

Pinakita sa trailer ang mga panibago at dating movement, bagong weapons, at isa pang look sa mga mapa sa loob ng dalawang minuto.
Sa kabila ng pagkabigo ng mga fans sa Modern Warfare 2, mataas ang excitement para sa MWIII. Naniniwala ang komunidad na makukuha na nila ang mga hiniling nila tulad ng red dots sa mapa, slide canceling, at iba pa.
Lumabas ang trailer dalawang araw bago masusubukan ito ng mga influencers at professional players sa darating na COD Next event. Maasahan ng mga fans ang mga karagdagang impormasyon sa laro sa event na ito, pati na rin ang feedback ng mga creators.
Tingin ng professional Call of Duty League player na si Dillon “Attach” Price, “in for a great year” ang komunidad matapos niyang suriin ang trailer.
Maghahatid din ang event ng isang first look sa bagong Warzone map, ang Zombies mode, at iba pa.
- Paano makuha ang Skeletor operator sa Modern Warfare 2 at Warzone 2
- Ang malupit na Kastov 762 loadout na ginamit ni Biffle para magwagi sa World Series of Warzone

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa CoD.
BASAHIN: Best TR 76 Geist loadout sa Modern Warfare 2 — malupit ang bagong AR na ito!