Abala ang buhay ng isang top esports athelete. Sa pagitan ng training at paglahok sa mga kompetisyon, mayroon din silang stream schedule at brand edorsements na kailangan atupagin.

Bagamat mahirap para sa iba na ibalanse ang schedule na ‘to, walang problema si Ankit “V3nom” Panth sa kaniyang mga responsibilidad, salamat sa kaniyang healthy lifestyle.

Isang legend sa esports scene ng India, nakilala si V3nom bilang isang beteranong Counter-Strike player. Lumipat siya sa Valorant, kung saan nasa ilalim siya ng Meliora 42 banner at regular din siyang mag-stream.



Naniniwala si V3nom na ang isang healthy lifestyle ang susi para sa isang matagumpay na esports career 

Nagsimula ang journey ni V3nom noong kinumbinse niya ang kaniyang mga magulang na kaya niyang ibalanse ang isang healthy at active lifestyle habang tumatahak ng isang gaming career. 

“When I started gaming, my parents were worried that I would become fat and lethargic, sitting at a PC for 10 to 12 hours every day,” sinabi niya sa ONE Esports sa isang ekslusibong panayam. “They stopped me from playing because they thought I would have a lot of health problems due to gaming.” 

Para mapatunayan ang kaniyang dedikasyon, nag-work out si V3nom araw-araw. At sa kaniyang pag-panatili ng isang daily routine, nakaginhawa siya sa mga sakit sa kaniyang likod at braso na natamo niya sa paglalaro nang matagal.  

“That made me realize that if I want to do this for a long period and not get injured in the process, I have to be fit and strong,” sabi ni V3nom. “I don’t get any pain or have any problems by God’s grace.” 

Naniniwala si V3nom na makakatulong sa mga players ang pagsunod sa isang healthy at active lifestyle, tulad ng ginagawa niya. “I am more focused, I feel energetic, and I can compete and practice for long hours.” 

Sinabi ng 32-year-old na nahirapan siya noong una sa pagsunod sa mahigpit na schedule na ito. Ngunit sa pamamagitang ng maayos na time management at disiplina, nahanap niya ang balanse. 

“I don’t change my schedule unless there are shoots or events, and even during that time I make sure I find time to work out even when I am traveling,” paliwanag niya. “24 hours in a day is a lot of time, and if you plan things properly, you will still have enough time left to do other things.” 

Naguumpisa sa 6 hanggang 7 a.m. ang araw ni V3nom sa isang bike ride o run bago mag-almusal sa 8 a.m. Matapos ang kaniyang mga shoots o meetings, kakain siya uli sa loob ng araw para may enerhiya siya para sa kaniyang gym session sa 11:30 a.m.  

Valorant V3nom Fitness
Credit: V3Nom

Tanghalian niya ay 1 p.m., at kasunod nito ang isang hapon ng practice kasama ang M42, ang kaniyang Valorant team. Susundan niya ito ng isang stream session at ang pag-check ng kaniyang mga social media accounts. Pagdating ng gabi, siya’y magha-hapunan at matutulog ng 10 hanggang 11 p.m. 

Bagamat hindi para sa lahat ang striktong schedule ni V3nom, sabi niya na mas nagiging madali ito dahil sa kaniyang konsistent na routine. 

Para sa mga gustong gumaya sa kaniya, payo niya na magsimula sa sports at mga activities na hilig mo.  

“Once you start setting that fitness time aside for yourself, you can then decide whether you prefer the gym, yoga, cycling, or swimming,” sabi ni V3nom. “You can always mix all that with the gym because strengthening your muscles is very helpful in the long run.”

Giit niya rin ang importansya ng tamang posture. “Do neck exercises carefully. And after every game, you should stretch,” sabi niya. “Focus on your lower back and forearms once you start going to the gym. They’ll need to be strong if you want to keep playing for long hours.” 

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Sunset gameplay: Tignan ang bagong mapa ng Valorant